“Yung totoo, nagugulat ako, natutulala ako, ang galing-galing niya” Dimples Romana, Proud sa kanyang Panganay na Negosyanteng Anak

Bilang isang ina, sa bawat tagumpay ng ating mga anak ay talaga namang unang-una tayo sa listahan ng magiging proud at ipagmamalaki ito.

Kagaya na nga lamang ng aktres na si Dimples Romana, na hindi mapigilan ang mapaluha habang sinasabi sa buong mundo, kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang panganay na anak na si Callie.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sa naging panayam sa mag-inang Dimples at Callie, nito lamang nakaraan ay ibinahagi ng aktres sa publiko kong gaano siya ka-proud sa lahat ng mga achievement ng kanyang panganay na anak. Lalo pa’t ngayon sa murang edad nito ay talaga namang napakahusay na nitong negosyante.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Ibinahagi ni Dimples sa “Magandang Buhay”, ang naging journey ng anak na si Callie sa pagiging ‘young entrepreneur’ nito.

“Yung totoo, nagugulat ako. Noon pong nag-media conference, ‘di ba kapag media conference iniisip mo, dahil ako ‘yung artista, maraming tanong sa akin. Pero halos lahat ng tinanong nila ay si Callie.

“At ako, para bang natulala ako na anak ko itong nagsasalita. Anak ko ito. Parang ‘yun bang walang mapagsidlan ang saya ng puso ko na itong teammate kong si Boyet (asawa niya), ano kami, we are a team, we made this possible for her”,

Photo credits: Dimples Romana | IG

ang naging simula ngang pahayag ng aktres, sa epidose ng Magandang Buhay kung saan nag-guest sila ni Callie.

Dagdag pa nga ng aktres, gustuhin man niya na laging nasa tabi siya ng kanyang panganay na anak, ay maypagkakataon talaga na hindi maiiwasan na wala siya sa tabi nito. At labis ngang nasisiyahan si Dimples dahil nakikita niya sa anak niyang si Callie, na kayang-kaya nitong i-handle ang sarili. Mas nakaka-proud pa sa kanya bilang magulang, na nakikita niya ang kagustuhan ng anak na makatulong sa ibang tao.

“Pwede pala ‘yun, ‘yun bang hindi kami pareho ng expression ng sarili pero ang galing galing niya, ang husay husay niya. Every time I see Callie I feel like I’ve done something right”, ang naging chika pa ni Dimples.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Matatandaan na noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng i-launch ng panganay na anak ng aktres na si Callie ang unang collection nito ng mga rattan bag, ngunit ayon sa dalaga, ay nagsimula talaga siya sa mga rattan bags noon pang buwan ng Pebrero taong 2019.

“It really started po talaga around Feb 2019. So, I started it super long ago po tapos weird because it only really materialized po during the pandemic which you wouldn’t expect”, ang naging say naman ni Callie.

Ikinuwento naman ni Callie, ang ilan sa mga pinagdaanan niyang pagsubok ng pasukin niya ang pag-nenegosyo sa kanyang murang edad. Dahil siya ay 15-taon lamang nu’n ay talagang hindi maiwasan na may mga taong hindi agad nagtiwala sa kanyang kakayahan.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Saad naman ni Dimples, sa kabila ng pagod at hirap ay hindi humingi ng tulong sa kanya ang anak.

“Hindi niya rin ako masyadong sinasama nu’ng time na ‘yun. I guess because Callie, the way she wanted to go about things is that she really wanted to built it on her own.”, ani Dimples.

Dagdag pa ng aktres, “Parang iniwasan niya rin, na I won’t be there beside her and sabi nga niya, ‘Mama, you know, some of the suppliers they’re not paying attention to me maybe because I’m young’.

Sa kabila nga umano ng mga pagsubok na pinadaanan ng kanyang anak sa pagiging young entrepreneur nito, ay nakita ni Dimples kung paano natutunan ni Callie ang tumayo sa sarili nito, lalo pa’t hinayaan lamang nila ito at sinusuportahan sa bawat ginagawa at nagiging desisyon nito.

Nagbigay mensahe naman si Callie para sa kanyang mga magulang, sa lahat ng pagmamahal at suporta ng mga ito sa kanya.

“I’m super grateful, like, beyond words po. I think I just translate it through hugs or handwritten letters.

“It really is beyond words na they really took the time to – out of their busy schedules, especially Ma – to help me, they’re just there. Whenever I encounter any problems, they’re there to console me. I’m grateful for everything”, ani Callie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *