‘You are Safe Now, Baby Boy’: Megastar Sharon Cuneta Ipinahanap at Inampon ang Asong Askal na Biglang Lumapit sakanya at Naglambing

Ang singer-actress na si Megastar Sharon Cuneta, ay malaki ang pagmamahal sa mga hayop lalo na sa mga aso. Kaya naman, nang makakita ng isang stray dog habang nagte-taping ng kanyang bagong pelikula na “Revirginized” sa Olongapo City ay naantig ang puso ng Megastar.

Matapos nga makita nag kalunos-lunos na aso, na kung saan ay may sakit sa balat at may kapayatan rin ito, ay talagang nahabag si Sharon. Bagama’t, may sakit nga ang aso, ay napakalambing nito kay Sharon na talagang lumapit sa aktres at nagpahawak pa na wala namang pag-aalinlangan na hinawakan ng Megastar.

Magmula nga ang pangyayaring ito, ang asong bumihag ng puso ni Sharon, ay hindi na maalis sa kanyang isipan. Kaya naman, nagpasya siya na ipahanap ito para kanyang ampunin, at siya mismo ang mag-aalaga.

Matatandaan nga na noong Marso 16, nang unang magpost ang award winning actress, patungkol sa paghahanap niya sa aspin na kanyang nakita sa Olongapo City.

“Ito po yung Aspin na pinapahanap ko sa Olongapo, sa saradong beach resort na set namin ko siya nakita. Sana talaga inuwi ko na siya. Napakasweet. May sakit sa balat at halos sumara na mga mata sa muta. Baka may makakilala sa inyo sa Olongapo. Malambing ang asong ito sa akin di ko makalimutan. Sana makita siya.”

At sa isang Instagram post nga nitong Marso 17, ay masayang ibinalita ng Megastar, na ang asong umagaw ng kanyang atensyon nang magtaping ng pelikula sa Olongapo City, ay natagpuan na.

“SOMEONE FOUND THE DOG I FELL IN LOVE WITH IN OLONGAPO!!!” pahayag ni Sharon.

Dito nga ay pinasalamatan niya si Jervy Castillo na siyang tagapamahala ng The Homeless Dog Shelter sa Subic na siyang nagligtas sa aso na kanyang nais ampunin.

Panimula nga ni Sharon sa kanyang post kung saan tinutukoy niya ang celebrity stylist at make up artist na si Fanny Serrano na kung saan kamakailan ay na-stroke, ay sinabi ng batikang aktres na sa gitna ng “very scary, uncertain time in my life”, ay binigyan siya ng Diyos ng isang liwanag upang maghatid ng saya sa gitna ng takot at sakit na kanyang nadarama.

“In the middle of a very scary, uncertain time in my life where the life of a confidante/mother-figure/loyal friend and long-time make-up artist whom I have loved for three decades seems to be on the brink… when I didn’t get to sleep a wink at all last night and am just having my first bite of food for the whole day, which I spent lying in bed and in darkness… God sent a ray of sunshine, a suddenly full heart, joy in the midst of pain and fear.”

Hindi nga maitago ni Sharon ang labis na kaligayahan matapos matagpuan ang aso, na kanyang mamahalin at aalagaan. At binigyan na rin ito ni Sharon ng pangalan, na tinawag niyang “Pawi”. Ipinangako naman ni Sharon na aalagaan at mamahalin niya ng buong puso si Pawi, kung saan ay ituturing niyang parang isang prinsipe.

“They say you are about 8 years old… Oh, what life must have made you go through! You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you. I will make the rest of your years happy and you will NEVER have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe. Never have to panic to seek shelter from the rain and other elements.”

“I love you. I fell in love with you the moment we met and I should have brought you home right then. But all will be well now. All IS well now! I cannot wait to see you again and this time hold you and love you!”

Makakasama ni Sharon sa pelikulang Revirginized ang aktres na si Rosanna Roces at aktor na si Marco Gumabao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *