Wowie de Guzman Mag- isang Pinalaki ang Kanyang anak Matapos Lumisan ng kanyang Asawa

Si Wowie de Guzman ay isa sa mga popular at sikat na aktor noong taong 90’s, hindi lang dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte sa telebisyon kundi maging sa taglay rin niyang kagwapuhan na nagpakilig sa maraming mga kababaihan. Maliban pa sa pagiging isang aktor, ay isa rin siyang mahusay na mananayaw. Siya rin ang madalas na nakakatambal ng aktres noon na si Judy Ann Santos sa mga erye at pelikula.

Pagdating naman sa pribadong buhay ni Wowie, marami ang nakababatid sa atin, na ngayon ay ginagampanan niya ang pagiging “solo parent” sa kanyang anak na si Alexandra Rafealle or Raff. Ito ay matapos ngang pumanaw ng kanyang asawa noong taong 2014, isang buwan lamang ang lumipas pagkasilang nito kay Raff.

Sa kabila naman ng nangyari, at kahit na mag-isa na lamang na gagampanan ni Wowie ang pagiging magulang sa kanyang anak na si Raff, ay sinigurado naman ng aktor na ito’y mapapalaki niya ng maayos at magiging isang “adorable celebrity kids”.

Narito naman ang ilang mga larawan ni Raff, na nagpapakita kung paano siyang inaalagaan ng kanyang amang si Wowie mula sa kanyang pagsilang hanggang ngayon na siya’y isa ng 5-taong gulang ng bata.

Matatandaan na ika-27 ng Marso taong 2014 ng dumating si Alexandra Rafealle sa buhay ng aktor na si Wowie de Guzman. At ng araw nga na iyon na mahawakan at masulyapan ng matinee idol at dating miyembro ng Universal Motion Dancer ang kanyang munting anghel, ay agad nitong inihayag ang kanyang pagiging isang “proud daddy.”

Batid naman natin, na isang buwan matapos isilang si Raff, ay pumanaw ang asawa ni Wowie na si Sheryl Ann Reyes, kaya naman mula noon ay matapang ng hinarap ng aktor ang pagiging single dad, at nangako na ilalaan niya ang kanyang buhay sa pagpapalaki sa kanyang anak. Nagbahagi pa nga ang aktor noon ng larawan, kung saan ay makikita ang kamay niya, na nakahawak sa muntik kamay ng sanggol pa lamang noon na si Raff, at nilagyan niya ito ng caption na “my life.”

Sanggol pa lamang si Raff, ay sinanay na ito ni Wowie sa harap ng kamera, dahil sa lagi niya itong kinukunan ng larawan, lalo pa nga’t talagang napaka-kyut nito. Napansin rin ni Wowie, na tila nakuha ng kanyang anak ang mannerism ng ina nito.

Ngayon nga na limang-taong gulang na si Raff, ay makikita pa lalo ang mga talento nito bilang isang bibong bata.
May larawan si Raff, na nagpapakita na mahilig rin itong umawit, sumaway, at magbisekleta sa loob ng kanilang bakuran.

Tila nga namana ni Raff sa kanyang amang si Wowie, ang talento nito sa pagsasayaw, at ang paborito nga umanong sayawin ng naturang anak ng aktor ay mga tugtog ng K-Pop, lalo na ang BLACKPINK na tugtog.

Ayon nga kay Wowie, tine-treasure niya ang bawat panahon ng pagkabata ng kanyang anak at ito talaga ang priyoridad niya ngayon, dahil batid niya na hindi habang buhay ay mananatili itong bata.
“Because isang beses lang magiging one year old, two years old, three years old, four years old, so tine-treasure ko ‘yung moment na clingy pa niya sa ‘kin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *