“When you’re dieting, the only kalaban is really yourself”: Mariel Rodriguez Padilla, Proud na Ibinahagi na Nakapagbawas siya sa Kanyang Timbang ng Mahigit 40 Pounds sa Loob ng Tatlong Buwan

Masayang-masaya ngayon ang maybahay ni Robin Padilla na si Mariel-Rodriguez Padilla, dahil ang hinahangad niyang makapagbawas ng timbang ay kanyang nakamit sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ang aktres at TV host na si Mariel Padilla ay isang breast feeding mom sa kanyang mga anak. At ang journey bilang isang breast feeding mom ng ilang taon sa kanyang bunsong anak na si Gabriela ay tinapos na niya noong Disyembre. Kaya naman, balik alindog na si Mariel para maibalik ang kanyang dating pigura bago pa man siya magkaanak.

Sa isang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay isiniwalat ng aktres ang kanyang weight loss journey. Ayon nga kay Mariel, noong Disyembre kung saan bago siya huminto sa breast feeding ay halos umabot ang timbang niya sa 200 pounds.

Photo credits: Mariel Rodriguez Padilla | Youtube

At dahil nga palaging gutom ang nagpapa-breast feed na ina sa kanyang anak, ay hindi maiwasan ni Mariel ang kumain ng kumain dahilan upang tumaas ang kanyang timbang. Noong una siyang magpabreast sa panganay niyang si Isabel ay umabot siya ng 178 pounds, at lalo pa itong nadagdagan nang isilang niya si Gabriela.

Hindi man madali ang pagbabawas ng timbang, ay inunti-unti na ito ni Mariel. Hanggang noong new year nga ay nagkaroon na siya ng commitment sa kanyang sarili na magda-diet na siya at ehersisyo upang makamit niya ang kanyang goal na pumayat.

Photo credits: Mariel Rodriguez Padilla | Youtube

At matapos nga ang tatlong buwan sa tulong ng slimming center ay nakapagbawas siya sa kanyang timbang ng mahigit 40 pounds. Para makamit ang tuloy tuloy na pagpayat, bagama’t mahirap ay talagang naglaan si Mariel ng oras at disiplina sa kanyag sarili.

Pag-amin naman ni Mariel sa kanyang vlog na kanyang ibinahagi noong Marso 17, ay talagang napakatakaw niyang kumain kaya alam niya na hindi magiging madali ang journey niya sa pagpapapayat.

Photo credits: Mariel Rodriguez Padilla | IG

Dahil dito, ay hiningi ni Mariel ang isa sa trusted nutrionist and fitness guru ng mga kilalang personalidad sa showbiz na si Nadine Tengco upang matulungan siya sa kanyang diet.

“Majority of [losing weight] is the food that we take. Ako po, I got a nutritionist talaga. Si Nadine Tengco. She made a list of the things that I can eat, the things I should eat, the things I shouldn’t eat,ganyan.”

Bagama’t may ibinigay na listahan sa kanya si Nadine upang sundin para sa mga dapat at hindi niya dapat kainin, ay umamin si Mariel na hindi niya nasunod ang mga nakasulat rito. Sa kabilang banda ay masaya naman si Mariel sa resulta ng kanyang weight loss journey dahil nakikita at ramdam niya ang pagbabago sa kanyang katawan.

“Today, ngayon [I’m] 155 pounds! I already lost a total of 42 pounds. Kulang pa po. Itong dress na suot ko po ngayon is still a large. Siyempre ang pangarap ko is small to medium. Iyong medium lang, nako, magpapa-party na ako!”

Photo credits: Mariel Rodriguez Padilla | IG

Binigyang diin naman ni Mariel na ang higit na importante sa lahat ay ang tamang mindset upang makamit ang goal. Saad nga ng aktres, ay mahalaga na magpokus sa goal upang agad na maisakatuparan ito.

Ang mga katagang ngang “portion control is the key” and one needed to “set a goal” and “stick to that goal,” ang pinanghuhugutan ni Mariel para pumayat.

Pagbabahagi rin ni Mariel, na ang talagang pinakakalaban sa pag-abot ng goal ay ang sarili na kung saan ay dapat labanan upang magtagumpay.

“Eye on the prize, totoo iyon. When you’re dieting, the only kalaban is really yourself. Labanan mo lang.”

HAPPYEGGS QUICK MEALS 6Secs Opt 01

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *