“Welcome to Beati Firma” Bea Alonzo, Ipinasilip sa Unang Pagkakataon ang Nakamamangha at Napakalawak Niyang Farm sa Zambales

Hindi nga maikakaila na isa sa mga pinakapopular at matagumpay na aktres sa showbiz si Bea Alonzo. At ito nga naman ay hindi nakapagtataka, dahil sa talaga namang napakaganda ng personalidad at pagkatao na taglay ng aktres, kaya naman nag-uumapaw ang biyayang natatanggap niya sa kanyang buhay, lalo na sa kanyang career.

Samantala, kamakailan nga lamang ng ibahagi ni Bea ang isa sa mga “biggest achievement” niya sa kanyang buhay bilang isang aktres, na talaga namang malaki ang naitulong sa kanyang pamilya sa panahon ng pandemya, at ito nga ay ang kanyang naipundar na “farm” sa Zambales.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Nito nga lamang araw ng Sabado, ika-13 ng Marso sa unang pagkakataon ay ipinasilip ng award-winning actress sa kanyang YouTube channel ang kanyang napakalawak na property, na talaga namang hindi niya inakala na maipupundar niya. Ito nga ay ang kanyang “Beati Firma” farm, na matatagpuan sa Zambales.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Sa una ngang bahagi ng video, ay ipinakita na agad ng aktres ang napakalawak niyang lupain. Ayon nga sa aktres, ang buong perimeter ng kanyang lupain ay napapalibutan ng mga mahogany tree, na itinanim nga ng kanyang ina. Ito nga ay 8-taon na, at itinuturing niya na good investment, dahil pwede siyang ibenta sa mga furniture maker..

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Maliban pa nga sa mga ito, ay makikita rin ang mga manggang nakatanim sa malawak na lupain, kung saan kwento ni Bea, ay ang mismong ina nga niya ang nagtanim.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

“Sobrang cute niya, kasi parang nag-farmville si mama. Talagang ‘yung distance ng mga tree’s is perfectly place”,

ang naging saad nga ng aktres habang ipinagmamalaking ipinakita ang mga puno ng manga na itinanim ng kanyang ina na may pagitan nga sa bawat isa ang pagkakatanim kaya napakaganda tingnan. Ibinida din ng atres ang mga “cute signage” na nilagay ng kanyang ina.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Ipinakilala din ng aktres, ang isa sa mga matagal ng katiwala nila sa farm na si “Doy, at ito rin ang nakasama niya sa pag-tour sa kanyang farm.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Ipinakita nga ng aktres na sa farm nila ay mayroong sariling area ang kanilang mga katiwala. Ibinahagi naman ng kanyang katiwalang si Doy, kung ano-ano ang mga ginagawa nilang trabaho sa farm, katulad na lamang ng pagpapakain ng baka, baboy at iba pang hayop sa farm.

Ibinida rin ng aktres, ang kubo na ginawa ni Doy nung nagkaroon ng ECQ, kung saan ay makikita ngang napaka-preskong kubo. Dagdag pa ng aktres, talagang gawa ng kamay ng katiwala nila ang nasabing kubo.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Pinuntahan nga rin ni Bea at ng katiwalang si Doy ang bahagi sa farm kung saan nakakulong ang mga alaga nilang bibi.

Sumunod naman na pinuntahan nila ay ang kulungan kung saan makikita ang kanilang alagang baboy, na ayon kay Bea, ay tatlo pa lamang dahil sa nagsisimula pa lamang silang mag-alaga nito.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Maliban pa nga sa baka, bibi, baboy, gansa, ay mayroon ding tupa sa farm ng aktres.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Hindi naman mawawala ang pagkakaroon ng paglilibangan sa “Beati Firma”, dahil ipinakita rin ni Bea na mayroon silang “falf court” basketball doon, kung saan maliban sa basketball ay maari ka ring maglaro ng volleyball o badminton.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

“Dito kami, nagba-bonding magpipinsan. Mayroon din siyang nakaready, na lagyan ng rod for badminton or volleyball. So, atleast pag nandito kami mayroon ding kaming ibang activities.”

“Even at night we can use it, because it surrounded by solar light.”

Binisita rin ng akres ang tree house at fish pond area sa kanilang farm. Ayon kay Bea noong nakaraang taon lang inilagay ang fish pond, at ang kanyang ina nga ang nag-aalaga ng mga tilapia na nasa fishpond.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Bago matapos ang naging pagpapasilip ni Bea sa kanyang farm, ay ipinakita niya muna ang ipinapagawa niyang bahay para sa kanyang mga “staff”. At ang ilang mga improvement pa na ipapagawa niya sa kanyang farm.

Talaga namang kahanga-hanga sa ang lawak ng Beati Firma, at mas naging kamangha-mangha pa ang magandang tanawin sa loob nito.

Photo Credits: Youtube.com | Bea Alonzo

Samantala, aabangan naman nga sa susunod na vlog ng aktres, ang kanyang magiging pagpapasilip sa kanilang village house sa Beati Firma.

WELCOME TO OUR FARM! (Beati Firma Farm Tour Part 1) | Bea Alonzo