“Welcome, Baby Girl” Phoemela Baranda, Nagsilang na ng Isang Malusog na Baby Girl

Ganap ng mga magulang ngayon ang mag-partner na sina Phoemela Baranda at Jason Choachuy. Ito nga ay matapos na maayos at ligtas na maisilang ng 40-taong gulang na modelo na si Phoemela ang kanyang ikalawang anak, na isa na naman ngang baby girl.

Nito nga lamang ika-5 ng Marso, araw ng Biyernes, bago pa man tumuntong ang oras sa hating-gabi, ay masayang ibinahagi ni Phoemela sa kanyang mga followers sa Instagram ang isang masayang balita.

Sa Instagram ni Phoemela, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan kung saan ay matapos niyang magsilang, ay masuyo siyang hinalikan ng kanyang partner na si Jason Choachuy. Kalakip nga nito, ay kanyang naging caption na;

“Thank you for all the prayers & well-wishers. Delivery went very smooth, we’re safe and healthy.”

Nagpa-abot din si Phoemela sa parehong post niyang ito ng pasasalamat, sa kanyang naging OB-gynecologist na si Dr. Martin Pedrosa Manahan at pediatrician niyang si Dr. Romeo Nuguid, dahil sa naging pag-aalaga nito sa kanilang mag-ina, mula sa kanyang naging pagbubuntis hanggang sa maisilang niya ng maayos at ligtas ang kanyang sanggol.

Hindi rin naman niya nakalimutan na pasalamatan ang kanyang partner na si Jason, sa pananatili nito sa kanyang tabi.

“Beyond happy with you by my side’, ani Phoemela.

Ayon sa naging ulat ng PEP, ang ibinigay na pangalan ni Phoemela sa kanyang ikalawang anak, na panganay na anak nila ni Jason, ay “Illya”.

Pinagtagpo ng tadhana sina Phoemela at Jason noong buwan ng Nobyembre taong 2019 sa dahil sa parehong pagkahilig nila sa car racing. Silang dalawa ay magkasamang nag-race sa 2019 Ultra 4 Hours Endurance Race sa Clark International Speedway, Pampangga.

Inanunsyo naman ng modelo ang kanyang pagbubuntis noong buwan ng Nobyembre taong 2020, kasabay nga ng pagbabahagi niya ng kanyang mga larawan kung saan ay proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump.

Batid naman ng marami sa atin, na ang panganay na anak ni Phoemela Baranda na si Kim Nichole Baranda, ay 22-taong gulang na ngayon. At kamakailan nga lamang ng balikan ng modelo, ang panahon ng naging pagsilang niya sa panganay, kung saan ayon sa kanya, ay 19-taon lamang siya ng isinilang niya ito, kaya naman matagal rin niya itong itinago sa publiko, bago nga tuluyan na ipakilala bilang kanyang anak.

“Congratulations, Phoem at Jason!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *