Vice Ganda, Ipinasilip ang Kanyang Mabilisan, Masaya at Grandeng Bakasyon sa Napakagandang Lugar ng Baguio

Matatandaan na noong buwan ng Enero lamang ay masayang ibinahagi ni Meme Vice Ganda sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang kanyang naging pagbabakasyon sa mala-paraisong isla ng Boracay. At nito nga lamang nakaraang mga araw, ay muli na namang nagbakasyon ang TV host-Unkabogable star, kung saan sa pagkakataong ito ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan at kasambahay sa napakaganda at napakalamig na lugar ng Bagiuo City.

Tama kayo, kasama ni Meme Vice sa kanyang naging grandeng bakasyon sa Baguio ang kanyang kasambahay, na hindi pa umano nakararating sa nasabing lugar.
Nito nga lamang ika-3 ng Marso, ay masayang ipinasilip ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, ang naging pamamasyal nila sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines”, kung saan ay puno nga ng kulitan ang naging pamamasyal nila.

Habang kakaunti pa nga lamang ang tao na bumibisita sa naturang lugar, ay agad na ngang nagtungo si Meme Vice, lalo pa’t ramdam na ang paparating na panahon ng tag-init o ‘summer’.
Samantala, pagdating na pagdating nga ni Meme Vice at ng kanyang mga kaibigan at kasambahay sa Bagiuo, ay agad silang tumuloy sa isang napakagandang bahay, na magiging pansamantala nilang tutuluyan habang sila ay nagbabakasyon.

Ayon sa It’s Showtime host, isa sa kanyang mga kaibigan na nakakaluwag-luwag sa buhay ang nagmamay-ari ng naturang bahay.
Sa istilo, ganda, at mga kagamitan pa lamang ng bahay na tinuluyan ng grupo ni Vice Ganda, ay talaga namang mapapahanga ka, idagdag pa ang makapagigil hiningang ‘’view’ na matatanaw mula sa itaas ng bahay na kanilang tinutulyan.

Agad namang namasyal ang grupo ni Meme Vice kinabukasan, at pinuntahan nga nila ang ilan sa mga ipinagmamalaking tourist spot ng Bagiuo.
Batid naman ng marami sa atin, na isa sa mga hindi mawawala kapag ikaw ay namasyal sa Baguio ay ang maranasan mo ang sumakay ng kabayo, na una ngang ginawa nina Meme Vice at mga kaibigan nito.

Matapos nito, ay tinungo naman ng grupo ang Burham Park, at dito ay inexperience naman nila ang pagsakay sa swan boat. Enjoy na enjoy nga naman ang mga kasamang kaibigan ni Meme Vice sa pagpapaandar ng naturang swan boat.

At dahil napagod ang grupo sa pagpapaandar ng swan boat na kanilang sinakyan sa Burnham Park, ay agad na nagtungo sa kainan sina Meme Vice at kanyang mga kaibigan, kung saan ay sama-sama nga silang kumain ng masarap na pagkain.

Kahit naman naging mabilisan lang ang bakasyon ni Vice Ganda at ng kanyang mga kaibigan at kasambahay sa Baguio, ay makikita naman na talagang sinulit nila ang kanilang naging bakasyon, at nakapag-enjoy at relaks din sila sa pamamasyal na ginawa nila sa ilang mga magagandang tourist spot sa nasabing lugar.

Isa na naman nga ang vlog na ito ni Meme Vice, na nagbigay aliw sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *