Kung Tayo Ay Unboxing Ng Gadget, Si Kuya Will Naman Ay Unboxing Ng Kanyang Nabiling Helicopter

Isa sa pinakapopular at sikat na TV host sa ating bansa si Willie Revillame o mas kilala sa publiko bilang si ‘Kuya Wil.’ Hindi lamang siya kilala sa telebisyon bilang isang mahusay na TV host, kundi mas naging popular pa nga ang kanyang pangalan dahilsa pagiging isa niyang matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan.

Sa programang ‘Wowowin’ ng Kapuso network natin ngayon madalas na napapanood si Kuya Wil, kung saan ay talaga namang napakarami ng tao ang kanyang nabigyan ng kasiyahan at natulungan.

Batid naman ng marami sa atin na ilang taon na ring namamayagpag ang karera ni Kuya Wil sa larangan ng TV hosting, kaya naman isa na rin siya sa mga personalidad ngayon sa showbiz na may pinakamaraming ari-arian na naipundar.

Maliban sa mga luxury cars na kanyang pagmamay-ari, ay pag-aari din ni Kuya Wil ang isa sa mga sikat na mall sa ating bansa (Pilipinas), at ito nga ay ang Wil Tower Mall.

Hindi rin lingid sa kaalaman natin na mayroong mga pagmamay-aring malamansyong tahanan ang TV host, at mga nagagandahan at naglalakihang mga rest house.

At matatandaan na noong nagdiwang si Kuya Wil ng kanyang ika-60 taong kaarawan noong 2021, ay masayang ibinahagi ng popular na TV host na mayroon na naman siyang panibagong sasakyan na mabibilang sa kanyang mga nagmamahalang koleksyon.

Ang bagong sasakyan nga na ito ni Kuya Wil ay ang kanyang bagong Helicopter.

Sa naging pag-unbox ng TV host ng kanyang bagong helicopter ay makikita na napakagara ng porma nito, kaya panigurado na ilang milyones din ang halaga nito.

Mula nga sa post ng netizens na si Johnny Tran makikita ang mga larawan ni Kua Wil ng mag-unbox siya ng kanyang bagong helicopter.

Ayon kay Kuya Wil nag flying lesson siya at dumaan sa ilang mga test upang magkaroon na siya ng lisensya na magpalipad ng helicopter.

Base sa ibang mga ulat, ang nasabing bagong helicopter ni Willie Revillame ay kanyang binili upang regalo niya sa kanyang sarili. Nais niya rin itong magamit pangtulong sa ating mga kababayan sa tuwing mayroong kalamidad.

Madalas nga ito ang gamit ni kuya will kapag siya ay umuuwi papunta sa kanyang resort sa puerto galera at pumapasok sa trabaho at siya na mismo mag-isa ang nagpipiloto nito.