Toni Gonzaga, Nagbigay Sulyap sa mas Pinalinis at Organize na Kwarto ng Kanyang Anak na si Seve

Ipinasilip ng TV host-celebrity mom na si Toni Gonzaga ang toddler room ng kanyang 4-taong gulang ng anak na si Seve, sa pamamagitan ng video na ini-upload ng professional organizer na Neat Obsessions.

Batid ng marami sa atin na ang popular na Tv host-actress at ngayon ay isa na ring celebrity mommy na si Toni Gonzaga at asawa nitong si Paul Soriano, ay mayroon na ngang toddler na anak, at ito nga ay si Seve.

At dahil sa lumalaki na rin nga ang kanilang anak, ay naisipan na nilang mag-asawa na ipa-ayos na ang magiging sariling silid nito.
Nagpatulong nga si Toni na ma-iayos sa silid ng anak niyang si Seve ang mga damit, laruan at iba ang kagamitan nito, sa tulong nga ni Issa Gico – Reyes ng Neat Obsession.

Ayon nga kay Toni, habang ipina-paayos nga ang silid ni Seve, ay ang pinaka-nahirapan niya ay ang pag-organized ng mga gamit ng anak.

“Kasi bagong renovate lang ang room ni Seve. Actually, parang ninety-five percent done na kami. So, one of my pinaka-major problems was really organizing everything. I can organize it. Pero parang – buti na lang may Neat Obesseion”, ani Tony.

Ibinahagi nga rin ng celebrity-TV host mom, kung ano ang kanyang naging reaksyon ng ng makita niya na ang napakaganda at napaka-ayos na newly-renovated room ng anak niyang si Seve.

“Alam mo, iba talaga ‘yung feeling na organized ang nakikita mo and everything is put in its proper place, segregated, labeled, and ‘yung may proper area for everything. Kasi nakakabigay talaga siya ng peace of mind, it relaxes your mind, it calms you. Kasi ‘yung clutter, nakaka-stress siya noh”, dagdag pa ni Toni.

Chika pa ni Toni, ang silid ng anak niyang si Seve ang paborito niyang parte ng kanilang tahanan, dahil sa ito ang nagpapa-alala sa kanya ng kanyang buhay. Dahil para kay Toni, si Seve ang buhay niya.

“This whole room. This is my favorite area because this area reminds me of my life. Seve is my life. When I come into this room, this helps me leave all of my work outside the room. Kasi when I’m here in this room, I’m present.”

Samantala, ibinahagi naman ng Neat Obsession sa kanilang Instagram post, na bago pa man nga nila simulan ang renovation ng silid ni Seve, ay hindi naman talaga ito magulo.

“Before our team even begins sorting in a project, I always asked my clients what they envision the space to be. Most of the time, the answer connects to a feeling’, caption nga ng Neat Obsession.

Dagdag na saad pa nga nito, “ We didn’t find this room messy and chaotic when we arrived. In fact, the room just felt like a little boy’s room where he studies, plays and enjoys. We just need to re-group the toys and put them back in their proper places so he will better enjoy what he owns.”

Bago pa man nga matapos ang naturang video, ay nag-iwan pa ng payo si Toni sa mga kapwa niya mommy, kung ano nga ba ang magandang gawin upang maiwasan na maging storage space ang ating mga tahanan o silid.

Ngayon nga ay mas naging maayos at organized na ang mga gamit ni Seve sa kanyang silid.

YouTube video player