Isa sa responsibilidad ng mga ilaw ng tahanan bukod sa gawaing bahay, ay mapanatiling maayos at malinis ang silid ng bahay, kabilang na nga rito ang silid ng kanilang mga anak. Ngunit, may mga pagkakataon na sobrang abala ang ina sa ibang bagay kung kaya’t hindi na ito nahaharap.
Mabuti na lamang nga, at may mga kompanya na ngayong maaasahan at makakatulong natin sa pagsasaayos ng ating tahanan. Laking pasasalamat nga ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga, dahil sa tulong ng Neat Obsessions, ay nailagay sa ayos at nagkaroon pa ng napakagandang disenyo ang silid ng kanyang anak na si Seve.
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
At kamakailan nga, ay ipinasilip ni Toni ang napakagandang toddler room ni Seve matapos isaayos ng professional organizer na Neat Obsessions. Ang silid nga ng kaisa-isang anak nina Toni at asawa nitong si Paul Soriano na si Seve, ay napaganda sa tulong ni Issa Guico-Reyes ng Neat Obsessions kung saan ay nailagay sa tamang lagayan ang mga damit at laruan nito.
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
Ayon kay Toni, isa talaga sa pinaka problema niya sa renovation ng silid ni Seve ay ang pagsasaayos ng mga kagamitan nito, kaya naman laking tuwa ng TV host dahil sa tulong ng Neat Obsessions ay hindi na siya mahihirapan.
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
“Kasi bagong renovate lang ang room ni Seve. Actually, parang ninety-five percent done na kami. So, one of my pinaka-major problems was really organizing everything. I can organize it. Pero parang — buti na lang may Neat Obsessions.”
At matapos nga ang pagsasaayos ng silid ni Seve, ay talagang humanga si Toni sa bago na nitong anyo. Ang lahat nga, ay makikita na nakalagay sa ayos at may label ring nakalagay sa bawat lagayan. Ayon nga kay Toni, ay magaam sa pakiramdam na makitang maayos ng tingnan ang dating magulong silid ng kanyang anak, dahil hindi na ito nakakastress.
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
“Alam mo, iba talaga ‘yung feeling na organized ang nakikita mo and everything is put in its proper place, segregated, labeled, and ‘yung may proper area for everything. Kasi nakakabigay talaga siya ng peace of mind, it relaxes your mind, it calms you. Kasi ‘yung clutter, nakaka-stress siya ‘no.”
Ibinahagi naman ni Toni na espesyal sa kanya ang silid ni Seve bilang isang ina. Ang kabuuan nga ng silid, ang paboritong lugar ni Toni, dahil dito umiikot ang kanyang buhay bilang isang ina.
Photo Credits: Youtube.com | Neat Obsessions
“This whole room. This is my favorite area because this area reminds me of my life. Seve is my life. When I come into this room, this helps me leave all of my work outside the room. Kasi when I’m here in this room, I’m present.”
Nagbigay naman ng payo si Toni sa mga magulang na pagdating sa pagsasaayos ng silid, ay dapat na naka-organize ang mga laruan at libro ng mga anak para huwag magmukhang storage room ang mga silid nito.
Samantala, sa Instagram naman ay ibinahagi ng Neat Obsessions ang ginawa nilang pagbabago sa silid ni Seve. Ayon naman rito, ay hindi naman raw talaga magulo ang silid ni Seve dahil ito ay ordinaryong silid ng isang batang lalaki, at kinakailangan lamang ilagay sa tamang lagayan ang mga kagamitan nito.
“We didn’t find this room messy and chaotic when we arrived. In fact, the room just felt like a little boy’s room where he studies, plays, and enjoys. We just needed to regroup the toys and put them back in their proper places so he will better enjoy what he owns.”