Connect with us

Stories

Hikers na Magkasintahan, Ibinahagi na halos 4,000 laman ang Kanilang Ginastos sa Kanilang Kasal

Ang pagpapakasal ay hindi ganoon kadali lalo na sa panahon ngayon. Hindi biro ang gastusin kapag nagpapakasal kaya naman ang iba ay nagiging praktikal na lamang.




Katulad na lamang ng magkasintahan na usap usapan ngayon sa social media.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Ibinahagi ng netizen na si Gwen Strong sa kanyang facebook, kung paano sila ikinasal ng kanyang kasintahan. Ang magkasintahan ay sadyang nagsasama na ng mahigit anim na taon na sa iisang bubong lamang. Ayon kay Gwen, nagdesisyon silang gawin ng legal ang kanilang pagsasama kahit na may dinaranas na pandemiya.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Kaya hindi naging hadlang ang pandemiya upang silang dalawa ay maikasal. Ang kanilang naging preparasyon ay simple lamang ayon na rin sa kanilang plano. Hindi sila gumastos ng malaki upang maidaos lamang ang kanilang kasal. Mahigit Php4,000 lamang ang kanilang nagastos sa kabuuan ng kanilang pagpapakasal. Mula sa ginamit nilang wedding ring ay ang kanila pang “promise ring” nila noon.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Naging praktikal rin si Gwen sa pagbili ng kanyang wedding gown, imbis na bumili ng magarbong wedding gown ay naghanap na lang siya ng damit na puti na pwedeng pangkasal ganoon din ang kanyang kasintahan.




Pati na rin sa pagmamake-up ay nagtipid din si Gwen dahil sa lipstick at polbo ay kuntento na siya. Ang photography nila Gwen ay cellphone camera lamang ang ginamit. Ang kanilang naging reception ay simpleng salo-salo lang din na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Pagbabahagi rin ni Gwen na halos inabot lang sila ng tatlong oras na paghahanda para sa kanilang civil wedding. Dahil sa sobrang simple ng kanilang pagpapakasal ay hindi aakalain na sila ay ikinasal na.

Gayunpaman, ang mahalaga kay Gwen ay mahal nila ang isa’t-isa hindi na mahalaga sa kanila ang magiging komento na naging simple nilang kasal. Ang mahalaga lang din sa kanila ay suportado sila ng kanilang pamilya sa kanilang pagmamahalan.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Kaya dahil sa kanilang nagawang pagtitipid, ay nagkaroon agad sila ng mas malaking ipon na ibinili nila ng bagong motorsiklo.

Nagawa na rin nilang mag-hike sa Mt.Apo at doon sila ay nag “post-nuptial photoshoot” at doon na rin sila nag honeymoon bilang tunay na mag-asawa. Ang nakakaaliw pa rito kung kailan sila umakyat ng bundok ay doon pa nag-planong magsuot si Gwen ng wedding gown.

Photo Credits: Facebook.com | Gwen Strong

Isang masayang pangyayari ito sa buhay ni Gwen dahil talagang nag-enjoy siya lalo pa’t ang paghi-hike ang kinahihiligan nilang mag-asawa. Para kay Gwen, hindi kailangang gumastos ng malaki upang maisakatuparan ang pagpapakasal.




Dagdag pa niya na may mas importanteng bagay pa ang dapat nilang pagkagastusan na mas higit nilang kailangan. Dahil para sa kanilang dalawa ng kanyang asawa ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa at sila ay masaya na sa kanilang pagsasama.

error: Content is protected !!