Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Masayang Bonding Moments ng Mag-amang Ellie at Jake Ejercito sa kanilang Pamamasyal sa Isla ng Siargao

Nakabalik na nga sa isla ng Siargao ang pamilya ng aktres na si Andi Eigenmann kasama ang anak nila ng kanyang dating nobyong si Jake Ejercito na si Ellie. Kasama rin siyempre ang partner niyang si Philmar Alipayo at kanilang dalawang anak na sina Baby Lilo at Baby Koa.

Kasabay naman ng pagbabalik isla nina Andi, ay ang pagkawalay naman ng aktor na si Jake Ejercito sa kanilang anak na si Ellie. Nagkahiwalay man ang dating magkasintahang sina Andi at Jake, ay maayos naman ang kanilang relasyon upang gampanan ang tungkulin bilang mabuting mga magulang sa kanilang anak.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Hindi na nga matiis ni Jake ang nararamdamang lungkot matapos mawalay kay Ellie. Kaya naman, nagpasya ang aktor na lumipad patungong Siargao upang makasama at makabonding ang kanyang anak.

Sa unang pagkakataong nakatuntong ang mga paa ni Jake sa isla, ay talagang humanga siya sa ganda nito. Ngunit, higit namang nangibabaw ang pagkasabik niyang makita at makasama si Ellie.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Kamakailan lamang, ay ipinasilip ni Jake sa kanyang Instagram ang masayang bonding nilang mag-ama matapos siyang ipasyal ni Ellie sa isla ng Siargao.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Caption nga ni Jake sa kanyang post, ay nakakita umano siya ng isang anghel para maging tour guide niya. Kalakip ng post ang mga larawan nilang mag-ama na kuha sa kanilang masayang pamamasyal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

“Found an angel for a tour guide.”

Makikita sa mga larawan ang pagiging malambing nila sa isa’t isa bilang mag-ama. Hindi naman maikakaila na talagang sinulit nila ang bawat sandaling magkasama dahil sa panandalian lamang ang pagdalaw na ito ni Jake kay Ellie.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Base sa mga larawan, ay makikita na mas nag-enjoy ang mag-amang Ellie at Jake sa kanilang bonding moments sa beach. Masisilayan nga sa mukha ng mag-ama ang matamis na ngiti sa kanilang labi. Patunay lamang nga nito, na talagang maligaya si Ellie at Jake sa tuwing sila’y magkasama.

Kahit nga abala sa trabaho si Jake at napakalayo pa ng Siargao sa Metro Manila, at kahit panandalian lamang ang kanyang pananatili sa isla, ay talagang naglaan ng oras ang aktor upang makasama at makabonding ang kanyang anak na si Ellie.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Ang bawat sandali nga ng kanilang masayang bonding moments, ay hindi matutumbasan ng anumang halaga, sapagkat ito’y magsisilbing masayang alaala na kanilang babaunin sa paglipas ng panahon.

Photo Credits : Jake Ejercito | IG

Walang duda na talagang mahal na mahal ni Jake ang kanyang anak na si Ellie na lahat ay gagawin makasama lamang ito. Tunay nga na isa siyang mapagmahal at mabuting ama sa kanyang anak.

error: Content is protected !!