Tingnan ang “Birthday Surprise Photo” ni Megan Young Kung Saan Lutang na Lutang ang Kanyang Taglay na Kagandahan

Para sa kanyang ika-31 taong kaarawan, ay muling ibinandera ng beauty-queen actress na si Megan Young ang kanyang napakagandang mukha sa pamamagitan ng kanyang birthday pictorial shoot na kinunan ni BJ Pascual.

Makikita sa social media account ng beauty-queen actress ang naging pagbabahagi niya ng kanyang nag-gagandahang larawan, na para nga sa kanya ay ito ang kanyang “Birthday Pasabog Photo”, dahil sa timing na timing ito para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Ang mga larawan umanong ito ay kinunan ng grupo ng photographer na si BJ Pascual , matapos gumawa ni Megan ng endorsement shoot na kasama ang mga ito.
Kalakip nga ng mga larawan na ibinahagi ni Megan kung saan makikita ang kanyang lutang na lutan na kagandahan, ay ang naging pasasalamat niya sa grupo na nasa likod ng kanyang nag-gagandahang“Birthday Pasabog Photo.”

“I’m so lucky to know and work with you guys! We had a quick fun shoot right after shooting a whole day for an endorsement kasi during that time I was so scared pa to go out to do fun shoots.. so happy to finally see these photos!!!!”, caption ni Megan.

Maliban pa sa mensahe ito ng pasasalamat sa grupo nina BJ Pascual, ay nagpa-abot rin ng kanyang pasasalamat si Megan Young sa mga taong nagbigay oras upang batiin siya sa kanyang kaarawan. Labis na kaligayahan umano ang nadama ng aktres, dahil sa bumahang birthday greetings para sa kanya.

“Thank you for all the birthday greetings. My heart is so happy. Ending the day playing just Dance with the family”, ani ng beauty queen-actress.


At kung nakatanggap nga ang dating Miss World ng maraming mga pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga, siyempre hindi naman nagpahuli ang kanyang mister na si Mikael Diaz na siya’y pasayahin sa kanyang kaarawan.

Ibinahagi ni Megan sa kanyang Instagram account kung paano siyang sinurpresa ng kanyang asawang si Mikael.

“Come home last night to a surprise! Fofo got the family together to have a little birthday salubong oh diba si Fofo (Mikael Daez may pa surprise!!! Kilig si Tita Bonez eh!”, saad ni Megan.

Dagdag pa ni Megan, ay nakatanggap rin siya ng regalo mula kay Alvaro, ang nakababatang kapatid ng kanyang mister. Hindi niya umano na sa kanyang ika-31 taong kaarawan ay may magbibigay pa ng regalo sa kanya.

“Si Alvaro (Mikael’s younger brother) may pa gift din! Hehehe I don’t expect gift now that I’m older and because we really don’t celebrate my birthday. But this made me really happy and kilig!!! Cheers to 31!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *