Sulyapan ang Nakamamanghang Transpormasyon ni Bea Alonzo Bilang isa sa Pinakamagagandang Aktres sa Showbiz

Isa sa mga aktres sa industriya ng showbiz na may pinakamagandang mukha at pinakamahusay ring artista ay ang aktres na si Bea Alonzo. Ilang beses na ngang pinatunayan ni Bea sa lahat ng mga manonood ang kanyang husay at talento, sa pagiging isang mahusay na aktres mapa-teleserye man ito o malalaking pelikula.

At dahil nga sa mga kanyang ipinamalas na husay sa pagiging isang artista, ay naging isa siya sa mga pinaka popular at sikat na aktres ng kanyang henerasyon. Isa rin siya sa mga pinakahinahangaan na personalidad sa ating bansa.

Si Bea Alonzo, ay nagsimula sa kanyang showbiz career noong siya ay 15-taong gulang pa lamang, kung saan ay una nating nasilayan ang kanyang ‘unmistakekable beauty’ ng mapabilana siya sa teen-oriented series noon na K2BU.

Mula nga ng pasukin niya ang industriya ng showbiz, ay nasubaybayan na natin kung paanong ang isang 15-taong gulang noon na si Bea Alonzno ay nag-bloom hanggang sa maging isa sa aktres sa showbiz na may pinakamagandang mukha, at pinakahahangaan dahil sa kanyang taglay na husay sa pag-arte.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nakapanayam sa Jeepney TV’s Showbiz Pa More ang aktres, kung saan ay inilahad niya na siya ang tipo ng bata noon na laging gusto na siya ay nasa harap ng kamera. Ibinahagi rin niya, na noon pa man ay ini-imagine na niya na parte siya ng “Ang TV”, ang popular na classic youth-oriented program noon ng ABS-CBN.
Dagdag pa ni Bea, noong bata pa siya ay iniidolo niya at hinahangaan ang sikat at popular na child star noon na si Camille Prats. Hanggang sa pinangarap na nga niya, na pasukin ang mundo ng showbiz at maging isang mahusay na artista.

Samantala, sa kabila pala ng kagandahan at popularidad na tinatamasa ng aktres, ay mayroon rin siyang nadaramang insecurities sa kanyang buhay, at ito nga ay kanyang ibinahagi noong maging ‘guest’ siya sa programang ‘Tonight With Boy Abunda’ noong nakaraang taon, kung saan ay kasama niya sa nasabing panayam ang kanyang co-star sa pelikulang ‘Earie’ na si Ms. Charo Santos – Concio.

Nagsimula ngang ibahagi ni Bea ang tungkol sa kanyang insecurities ng buksan ni Tito Boy ang usapin sa naging pagbabahagi ng aktres na kanyang first-ever bikini photo sa kanyang Instagram. Kung saan ayon nga kay Bea, ay pinag-isipan niya pa talaga ng husto kung ibabahagi niya ang naturang larawan sa publiko.

“Siguro mga 100 times ko tinanong ‘yong brother ko, ‘Maganda ba? Maganda ba? And I thought, ‘Oh my God, ‘di pa pala ako free sa pakiramdam na ito? Akala ko at my age nakalaya na ko ‘don na insecurities na ‘yon. And then naisip ko, process nga pala ito”, ang naging pagbabahagi nga ng aktres.

Ibinahagi rin naman ng aktres, kung paano ang simpleng post niyang iyon ay nagbigay inspirasyon at motibasyon sa kanya, patungkol sa “body positivity”.

“You have to constantly remind yourself na you are beautiful, na you are enough. And so naisip ko, siguro dapat i-post ko ‘to to remind people that they are enough itsura ng katawan nila. Kahit medyo mataba ka, payat ka, you are beautiful so nae-emposer ako so’n sa post na ‘yon. Sana na-inspire ang mga tao”, dagdag na saad pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *