Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Nakamamangahang ‘Plantito’ Themed Party Birthday Dinner ni Idol Raffy Tulfo sa Pagdiriwang ng Kanyang Kaarawan

Tunay namang kagiliw giliw pagmasda ang kapaligiran kapag ito ay nakukukayan ng mga halamang luntian. Ito ay dahil sa nagbibigay ito ng nakaka-relaks at preskong pakiramdam sa atin.
Mula nga ng magkaroon ng pandemya ay marami sa atin ang kinahiligan ang paghahalaman, at maging mga kilalang personalidad sa telebisyon ay binansagan na nga ring certified ‘plantito’ o ‘plantita’ dahil sa kanilang pagkahilig na rin sa pangongoleksyon ng iba’t ibang uri ng halaman.

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Isa nga sa mga personalidad sa telebisyon na talaga namang mahilig rin sa mga halaman ay ang hinahangaan nating lahat na broadcast journalist at TV personality na si Raffy Tulfo.
Dahil nga sa kanyang pagkahilig sa mga halaman, pati kanyang kaarawan ay tinema na rin niya bilang isa siyang ‘plantito.’

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Nito nga lamang nakaraan ay nagdiwang ng kanyang ika-61 taong kaarawan si Raffy Tulfo, kung saan ay talaga namang kamamanghaan ang naging tema ng kanyang kaarawan dahil sa isa itong ‘Plantito themed intimate birthday dinner’ party.

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naging kaarawan ng broadcast journalist na ang backdrop ay mga luntiang halaman, at ang kanila ngang ‘main table’ ay dinekorasyonan gamit ang mga iba’t ibang variety ng succulents.

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Maliban pa nga sa mga succulents, upang mas lumitaw pa sa tema ng kaarawan ni Raffy ang personalidad na taglay nito at upang magkaroon ng ‘masculine effect,, ay naglagay din ang kanyang event stylist ng ‘rice batteries’, na may ‘touch’ ng silver ornaments at industrial chair.

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Ilan pa sa mga makikitang halaman na nagbigay ng kamangha manghang dekorasyon sa Platito themed birthday ni Raffy, na inilagay ng kanyang stylist ay ang mga halaman tulad ng orchids, zamia furfuracea, at ecuadorean roses na nakukukayan ng silver.

Photo credits: PRAM AND CRADLE

Maging ang cake nga ni Raffy, ay ibinagay din sa tema niyang “Rad Plantito” at talaga namang napakahusay ng gumawa ng nasabing cake, dahil sa kamanga mangha nitong disenyo.
Ang mahusay ngang cake artists na gumawa ng birthday cake ng broadcast journalist ay si Chef Castillo Fuentes.

error: Content is protected !!