Sulyapan ang 3D Image ng “Dream House” na Nais Ipatayo ng Actress-Vlogger na si Ivana Alawi

Isa sa mga sikat at popular na vlogger ngayon ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi. Batid naman natin na halos mayroon na itong 11-milyong mga subscribers sa kanyang YouTube channel, na ang ibig ngang sabihin ay marami talaga ang sumusuporta at nanonood ng kanyang mga ginagawang video.

Hindi naman nakapagtataka na agad na tumaas ang bilang ng kanyang mga subscribers, kahit ilang taon pa lamang siya sa mundo ng vlogging, ito ay dahil talaga namang nakaka-aliw at puno ng inspirasyon ang kanyang mga vlog.

Matatandaan na minsan ng itinampok ni Ivana sa kanyang vlog, ang lupa na kanyang binili at dito nga niya umano ipapatayo ang pangarap niyang tahanan.
Inamin niya na dahil sa pinaglalaanan niya talaga ang ‘dream house’ na kanyang nais ipatayo para sa kanyang pamilya, ay hindi talaga siya gumagastos mula sa pera na kanyang kinikita sa pagiging isang vlogger.

Samantala, minsan na rin naman ibihagi ni Ivana sa kanyang isang ginawang vlog, kung ano nga ang magiging hitsura ng kanyang ‘dream house’.

Ayon nga sa actress-vlogger, ang kanyang magiging ‘dream house’ ay isang tahanan na mayroong modernong disenyo at tatlo ang magiging palapag nito.

Nais rin umano niya na salamin ang disenyo sa may harapang bahagi ng kanyang ipapatayong dream house, at sa likuran naman nito ay makikita ang isang malawak na swimming pool kung saan masaya silang magbabonding at magsi-swimming magpamilya.

Talaga namang yayamanin ang disenyo ng ‘dream house’ ni Ivana, na panigurado naman na malapit na malapit na niyang maipatayo.

Ibinahagi rin ni Ivana na ang nais niyang disenyo sa loob ng kanyang magiging ‘dream house’ ay pinaghalong kulay ng white at gold, dahil sa mahilig ang kanyang ina na si mommy Fatima sa kulay ‘gold.’ Ang magiging interior design umano nito ay tulad ng mga Italian house design, kaya naman talagang napakaganda at aliwalas nito sa mata, lalo pa’t patitingkadin pa ito ng ‘gold’ na kulay.

Ang napakagandang 3D image nga ng ‘Dream House ni Ivana ay idinesenyo ng UID Architect, base na rin sa mga nais ng actress-vlogger na maging disenyo at hitsura ng pangarap niyang tahanan para sa kanyang pamilya.

Kitang-kita nga sa 3D images ang napakagandang disenyo ng pangarap na bahay ng actress-vlogger.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *