Solenn Heussaff, Ibinahagi na Tanging May Lenggwaheng Spanish at French na Cartoon Lang ang Pinapanood niya sa Kanyang Anak na si Baby Thylane

Mas madali naman talagang turuan ang isang tao ng mga bagay na dapat nilang matutunan, kapag sila’y nasa murang edad pa lamang. Tulad na lamang nga ng pagsasalita, na kung saan ay pinakamahalagang bagay na dapat nating matutunan sa ating buhay.




Kung ang ilang magulang nga ay kontento sa isang lenggwahe tulad ng Tagalog. May ilang magulang naman na nais ang dalawa o higit pang wika na dapat matutunan ng kanilang mga anak. Maaaring Tagalog, English, at iba pang lenggwahe na kanilang naisin para sa kanilang anak.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Katulad na lamang nga ng aktres na si Solenn, na hindi lamang dalawa kundi apat na lenggwahe ang itinuturo sa anak nila ng kanyang asawang si Nico Bolzico na si Baby Thylane.

Kamakailan nga, ay inamin ni Solenn na tanging may lenggwaheng Spanish at French na cartoon ang pinapanood ng kanilang anak na si Baby Thylane. At ang dahilan sa likod nito, ay detalyadong ipinaliwanag ng aktres.

Bagama’t, hinahayaan ng mag-asawang Solenn at Nico na manood ng telebisyon ang kanilang anak, ito ay limitado lamang dahil na rin sa murang edad nito. Ngunit, dalawang lenggwahe lang ang maaaring panooring cartoons ni Baby Thylane, Spanish at French.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

“She is now allowed 5 minutes of cartoons per week. BUT in French or Spanish only,” caption ni Solenn sa kanyang Instagram story.

Dahil nga marami ang nagtaka at nagtanong kung bakit, ay agad naman itong ipinaliwanag ni Solenn. Ayon nga sa aktres, ay upang matutunan ni Baby Thylane ang pagsasalita ng ibang wika maliban sa Tagalog at English. At ang salitang Spanish at French, ang maaari nilang ituro sa kanilang anak. Saad nga ni Solenn, ay siya ang magtuturo ng French, at si Nico naman ng Spanish kapag sila’y mag-uusap.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

“She hears English every day with everyone so she will learn it fast. She hears Tagalog every day at home and with family, so it will come naturally just like English. French only with me and my dad. Spanish only with Nico.”




Paglilinaw naman ng aktres, ay naniniwala siya na makakatulong ang panonood ng cartoons ni Baby Thylane, upang mabilis na matutunan ang salitang French at Spanish. Ngunit, maliban sa panonood ng mga foreign language cartoons, ay madalas ring basahan ni Solenn ang kanyang anak ng librong may French at Spanish na lenggwahe. At ito nga ay malaking tulong para agad na matuto ang bata. Saad pa nito, mas maraming lenggwahe, mas maganda.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

“So I am not sure if she will identify all languages OR think all four are one. Anyways, read in many books, the more languages you expose a baby to, the better.”