Sofia Andres at Daniel Miranda, Ibinahagi ang Kanilang Masayang Bakasyon Kasama ang Kanilang Super Cute Anak na si Baby Zoe

Marami ang nagulat sa kontrabersyang pagkakaroon ng anak ni Sofia Andres sa kanyang boyfriend na car racer na si Daniel Miranda. Gayunpaman, masaya namang ipinakilala ni Sofia ang kanilang napaka-cute na anak na si Baby Zoe. Makikita sa naman sa mga post ni Sofia sa kanyang Instagram kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang boyfriend at ng kanyang anak.

Isa sa kanilang masayang milestone sa kanilang buhay ay ang pagbibigay nila sa kanilang anak ng isang masayang bakasyon. Kaya sa kanila lamang na latest vlog, ay ipinasilip niya ang maikli ngunit masayang bakasyon ng kanilang pamilya sa napakagandang resort ng The Farm sa San Benito, Batangas. Ito ang unang weekend getaway ng kanilang anak, matapos ang ilang buwang pananatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa pandemiya.

Unang ibinahagi ni Daniel ang pag-eenjoy ni Baby Zoe habang nakikipag-kulitan nito sa mga pato. Napaka-cute tingnan dito ni Baby Zoe dahil sa reaksiyon nito habang nilalapitan siya ng mga pato.

Pinasilip rin nila Sofia ang ganda ng kanilang room hotel kung saan sila magsi-stay. Sa kanilang vlog, talaga ngang makikita ang kagandahan ng lugar. Sa mga magandang nitong tanawin, ay talaga ngang nakakarelax.

Sadyang napakaganda ng lugar dahil may sarili itong swimming pool sa labas ng kanilang room. Kung saan napakaganda ng nasabing swimming pool dahil sa malinaw at malamig nitong tubig.

Ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang masayang swimming time kasama ang kanilang Baby Zoe. Makikita sa video na talaga nga namang nag-eenjoy si Baby Zoe sa swimming pool dahil tinuturuan ni Sofia si Baby Zoe sa paglangoy na ikinatuwa ng kanilang anak. Maliban sa kanilang swimming bonding, ay nagkaroon pa sila ng iba pang mga activities na sobra silang nag-enjoy.

Sulit na sulit ang kanilang maikling bakasyon dahil makikitang masayang-masaya ang kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *