Singer at Vlogger na si Lyca Gairanod, Proud na Ibinahagi na sa Edad Niyang 16 ay Nakabili na Siya ng Sarili Niyang Sasakyan

Taong 2014 ng tanghalin bilang grand winner ng “The Voice Kids Philippines” ang batang paslit pa lamang noon na si Lyca Gairanod. Ngunit bago pa man ang kaganapan na ito sa kanyang buhay, ay nauna muna siyang naging viral sa social media dahil sa kanyang ipinakitang pagbirit habang siya ay nangangalakal ng basura.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat, na si Lyca ay mula sa isang mahirap na pamilya sa Tanza, Cavite. Dahil sa kahirapan nga sa kanyang murang edad ay nagawa niya ang mangalakal ng basura, at kasabay nito ay ang bumirit sa pagkanta upang maski papaano ay kumita siya ng pangtulong sa kanyang mga magulang.

Ngunit ngayon, ay malayong – malayo na nga ang estado ng buhay ni Lyca kaysa noon at ang naging pagsisimula ng pagbabagong ito ay ng maging grand champion nga siya sa programa ng ABS-CBN na The Voice Kids Philippines.

Dahil sa kanyang naging pagwawagi sa nasabing patimpalak, ay mas nakilala pa nga ng publiko si Lyca. At ngayon nga na siya’y dalaga na sa edad niyang 16, ay hindi lang siya kilala bilang isang batang singer, kundi isa na rin siya sa mga iniidolo at hinahangaan na vlogger.

Unti-unti na ngang natutupad ni Lyca ang mga pangarap niya sa buhay mula ng siya’y sumikat at maging popular. At nito na nga lamang nakaraan, ay panibagong pangarap naman niya ang umano’y kanyang natupad, na agad niya namang ibinahagi sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

Kamakailan nga lamang ay masayang ibinahagi ni Lyca sa kanyang social media account ang tungkol sa kanyang bagong “baby.” Kung saan ay ibinahagi nga niya na ang bagong baby na kanyang tinutukoy ay ang kanyang bagong biling sasakyan.

Sa edad na 16 nga ni Lyca ay nakabili na siya ng kanyang sariling sasakyan, at proud niya itong ibinandera sa kanyang social media account.

“Thank God. I GOT MY NEW BABY”, caption nga ng 16-taong gulangna dalaga.

Samantala, maliban nga sa pagiging isang mang-aawit ay abala rin si Lyca ngayon sa kanyang career bilang isang vlogger, kung saan ay mayroon na nga siyang 1M na mga subscribers sa kanyang YouTube channel at natanggap na rin niya ang kanyang golden play button.

Madalas na itinatampok ni Lyca sa kanyang mga vlog ang kanyang personal na pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *