Connect with us

Uncategorized

Silipin ang Taglay na Ganda at Kaseksihan ng Aktres na si Anne Curtis sa Kanyang Beach OOTD nang Magbakasyon sa Boracay

Hinahangaan na ng marami ang mala-dyosang kagandahan ng aktres na si Anne Curtis. Samahan pa nga ito ng kanyang fit and healthy body na talaga nga namang napakaseksi. Ngayon na may anak na si Anne, ay tila nga walang nagbago sa kanyang katawan matapos manganak.

Photo Credits: Blk cosmetics ph | IG

At isang taon makalipas ipanganak ni Anne ang kanyang napakacute na baby girl na si Baby Dahlia, ay muli na naman niyang ipinamalas ang taglay na kagandahan at kaseksihan sa kanyang beach OOTD nang magbakasyon sa Boracay. Sa pagbabalik ni Anne sa Pilipinas kasama ang kanyang asawang si Erwan Heusaff at si Baby Dahlia, ay talagang summer ready na ang aktres.

Photo Credits: Yotube.com

Kamakailan lamang nang magtungo sa Boracay si Anne para sa photoshoot ng BLK Cosmetics para sa summer campaign. Sa Crimson Resort & Spa sila tumuloy kung saan ay nagkaroon ng mini getaway. At talaga namang kahanga-hanga ang baong beach oufit ni Anne na pang-awra sa Boracay.

Photo Credits: Yotube.com

Pagbaba pa lang nga sa sinakyang eroplano ay agad na umawra ang aktres habang suot ang white dress na binagayan naman ng Dior Book Tote. Para naman makompleto ang kanyang OOTD, ay binagayan rin ito ni Anne ng isang bucket hat at pares ng tri-color velcro sandals.

Photo Credits: Anne Curtis | IG

Sa isang exclusive event naman sa resort, ay napakagandang pagmasdan ni Anne sa suot niyang bulaklaking maxi dress na talagang bagay na bagay para da summer.

Photo Credits: Yotube.com

Samantala, nang magswimming naman si Anne sa pool at nag-enjoy sa kanyang floating breakfast, ay isang Zimmerman maillot, ang suot na swimsuit ng aktres. Ang nasabing swimsuit, ay kapareho rin ng suot ng kanyang sister in law na si Solenn.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Hindi rin siyempre magpapahuli si Baby Dahlia sa pag-awra sa beach at nakipagsabayan pa nga ang cute na bata sa kanyang Mommy Anne sa kanilang twinning outfit na baby blue swimsuit.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Proud na proud rin si Anne sa kanyang seksing katawan sa suot niyang ruffled bikini na binagayan ng gold na kwintas. Talaga nga namang napakagandang tingnan ni Anne sa kanyang mga beach outfit.

Photo Credits: Yotube.com

Sa isa namang one-piece swimsuit ay ipinamalas ni Anne ang kanyang magandang hubog ng katawan sa suot ang pastel green malliot habang nakaupo sa buhangin. Mas lalo ngang pinaganda ng kulay puting buhangin at napakagandang tanawin ang awra ni Anne.

Photo Credits: Yotube.com

Tunay nga na ang mala-dyosang kagandahan ni Anne ay walang kupas, kahit nga ngayon na may isang taong gulang na anak na siya.

error: Content is protected !!