Silipin ang mga Pictures ng Masayang Pamilya ng Aktres na si Janella Salvador at Boyfriend nitong si Markus Paterson Kasama si Baby Jude

Marami ang kumalat na espekulasyon sa social media na buntis umano ang aktres na si Janella Salvador. Ito nga ay dahil sa biglaang pamamaalam ng aktres sa showbiz, at sinabayan pa nga ito ng pag-alis sa bansa upang magtungo sa United Kingdom, kung saan naninirahan ang boyfriend nitong si Markus Paterson.

At matapos ang ilang buwang pananahimik kaugnay sa isyu, kamakailan lamang nga ay lakas loob na umamin si Janella na siya’y nabuntis at nanganak sa isang malusog na baby boy. Bagama’t tahimik rin sila tungkol sa kanilang relasyon, ngayon nga ay handa na nilang ilahad sa publiko na sila’y ganap ng mga magulang sa isang bagong silang na sanggol.

Sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatang “Hey Jude” na mapapanood sa kanilang Youtube channel na “M & J & J” ay inilahad ni Janella at ni Markus ang katotohanan. Mapapanood sa nasabing vlog ang pregnancy journey ni Janella kabilang na nga rito ang sonograms, maternity photoshoot, at maging ang paghahanda sa pre-natal ng aktres.

Sa nasabing vlog rin ay nakapaloob ang paglipad ni Janella patungong United Kingdom at maging ang kanyang panganganak kay Baby Jude na isinilang niya noong Oktubre 20, 2020. Noong Mayo 2020 naman ng madiskubre nila ang gender ni Baby Jude.

Ibinahagi rin ni Janella sa nasabing vlog ang kanyang nakakaantig na mensahe para sa kanyang new born baby. At bilang isang first time mom nga, ay hindi maikakaila ni Janella ang kanyang pangamba para kay Baby Jude.

Aniya,“If I’m going to be honest, I was quite nervous about this day because I know how harsh this world can be. If your dad and I can have you all to ourselves forever in our quiet world, we would, but that would be too selfish.”

Samantala, may mensahe rin si Markus para kay Baby Jude bilang isang first time daddy. Hindi naman maitago ni Markus ang kanyang labis na kaligayahan sa pagdating sa kanilang buhay ng kanilang napakacute na baby boy. At sa bawat kataga nga ni Markus, ay mababakas ang labis na pagmamahal sa kanyang anak.

“To my son, my firstborn, my darling boy. There aren’t enough words to express how much love I have for you. The minute I saw you I knew I would do anything in this world to protect you and I can’t wait to introduce you to the world.”

Sa gitna ng pandemya ay magkakasama ang pamilya ni Janella sa United Kingdom. At sa kabila ng lungkot at pangamba na dulot ng pandemya, ay inaalis naman ito ni Baby Jude na nagsilbi nilang pag-asa na nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Kamakailan lamang nga, nang mapabalita naman ang pagbabalik sa bansa ni Janella kasama si Markus at si Baby Jude. Makikita naman na talagang masayang-masaya ang kanilang pamilya. At para nga kay Janella, ay si Baby Jude ang pinakamagandang regalo na kanyang natanggap sa buong buhay niya.

Makikita naman kung gaano kahands-on si Janella kay Baby Jude pagdating sa pag-aalaga na kanya namang naeenjoy.

“Wake up, change nappies, feed the bubba, try to go back to sleep, put cocomelon on tv, read some colorful books, burp the bubba, bathe the bubba, do a little house organizing, have friends and family visit…. all that jazz.”

Hindi rin naman magpapahuli si Markus pagdating sa pagiging hands-on kay Baby Jude. Sa katunayan nga nito, ay madalas pang magbonding ang mag-ama.

Talaga nga namang makikita kung gaano kasaya ngayon si Janella at Markus kapiling ang kanilang anak na si Baby Jude na sadyang nakakagigil ang napakacute nitong pisngi.

Matatandaan na noong Setyembre 2020 nang umamin sina Janella at Markus sa kanilang relasyon.

Hey, Jude.

Jude’s First Play Dates! Ft. Toto & Odri | Markus, Janella & Jude

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *