Silipin ang mga Graduation Photos Ng mga Sikat at Paborito niyong mga Celebrities na ito

Bagama’t nakakaranas ng krisis ang karamihan sa atin ngayong panahon ng pandemya, ay hindi naman ito hadlang sa pagtupad ng mga pangarap ng ilan.

Marami na naman nga ang pangarap na matutupad ngayon sa pagtatapos ng mga masisipag na mag-aaral. Dahil nga sa pandemya, ay walang selebrasyon o programa sa kani-kanilang paaralan upang tanggapin ang kanilang karangalan at diploma.

Ngunit, hindi naman it hadlang dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya, ay may virtual celebration para sa mga magtatapos. Katulad na lamang nga ng mga sikat na artista sa showbiz, na kahit abala sa kanilang trabaho ay naglaan parin sila ng oras sa pag-aaral upang matapos ang kursong nais, at matupad ang kanilang pangarap.

Bilang pakikiisa sa mga nagtapos na mag-aaral ay ating sariwain at tingnan ang mga graduation photos ng mga sikat na celebreties na ito sa kanilang suot na toga sa araw ng kanilang graduation.

Alexa Ilacad

Ang former Goin’ Bulilit star na si Alexa Ilacad ay nakapagtapos sa Senior High School sa Treston International College noong 2018, kung saan ay napabilang siya sa Dean’s list.

Angelina Cruz

Ang anak naman ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz, ay nakapagtapos na rin ng high school kahit nasa gitna ng pandemya nong April 2020. At ngayong taon nga, ay nasa kolehiyo na si Angelina kung saan ay masipag na nag-aaral para sa kanyang pangarap.

Carmi Martin

Ang batikang aktres na si Carmi Martin, ay pinatunayan na hindi hadlang ang edad para makapagtapos ng pag-aaral. Sa edad nga na 47 ay nakamit ni Carmi ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Fine Arts sa Philippine Women’s University (PWU).

Darren Espanto

May karangalang “First Honor” naman nang makapagtapos si Darren Espanto ng kanyang pag-aaral sa Highschool sa Alabang. Nakatanggap rin siya ng iba pang karangalan na Achiever Award, at Excellence in Music and Arts Award.

Enrique Gil

Degree in Business Management naman ang nakamit ni Enrique Gil sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Southville International School sa BF International, Las Piñas City.

Jayda Avanzado

Ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda, ay nagtapos ng highschool noong 2019 bilang first honor.

Liza Soberano

Si Liza naman ay nagtapos ng highschool sa Pangasinan. At nang magkolehiyo ay pumasok naman siya sa University of the Philippines Diliman ngunit nahinto siya sa pag-aaral. At noong 2019, ay bumalik siya sa pag-aaral upang taposin ang kursong Psychology sa Southville International School.

Maine Mendoza

Si Maine ay nakamit ang kanyang tagumpay sa pag-aaral sa kursong Bachelor’s Degree in Hotel, Restaurant and Institution Management Major in Culinary Arts sa De La Salle-College of St. Benilde. Naging intern naman siy sa The Sagamore sa Bolton Landing, New York.

Sarah Geronimo

Si Sarah naman ay sa University of Santo Tomas Education High School nag-aral. Ngunit, nagtapos ng sekondarya sa Angelicum College. Nag-aral rin si Sarah ng Associate in Arts program sa University of the Philippines Open University (UP Open University).

Robi Domingo

Ang former “Pinoy Big Brother” housemate na si Robi Domingo ay nakapagtapos sa kolehiyo ng degree in BS Health Sciences noong 2012 sa Ateneo de Manila University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *