Silipin ang Masayang Bakasyon ng Pamilya ni Vic Sotto sa Baguio Kasama ang Kanyang mga Anak at Kani-kanilang Pamilya

Isang napakasayang family reunion ang naganap kamakailan sa pamilya ni Vic Sotto. Ito nga ay matapos magbakasyon ng sama-sama ang kanyang pamilya kasama ang asawang si Pauleen Luna at anak na si Tali. Ngunit, mas lalo namang naging masaya ang bakasyon nina Bossing kasama ang kanyang mga anak sa dating asawa na si Dina Bonnevie na sina Oyo Boy Sotto at Danic Sotto kung saan ay kasama rin ang kani-kanilang pamilya.

Napakasarap naman talagang magtungo sa isang napakagandang lugar upang magbakasyon at ma-enjoy kasama ang mga mahal sa buhay.

At ngayong summer, ay talagang hanap ng marami ay ang malamig na lugar. Kaya naman para sa espesyal na bakasyon ng pamilya nina Bossing, ay nagtungo sila sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines”, ang Baguio.

Sa isang napakagandang house lodge tumuloy ang pamilya Sotto kung saan matatanaw sa kanilang kinaroroonan ang makapigil-hininga sa gandang tanawin. Sa nasabing lodge ay marami silang pwedeng gawin, katulad na lamang nga ng pagluluto. Ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, ay makikitang abala sa paggi-grill ng steak para sa kanilang hapunan.

Abala naman si Baby Tali sa pakikipagbonding sa kanyang mga pamangkin, na mga anak nina Danica at Oyo. Makikita rin na talagang enjoy na enjoy ang bawat isa sa kanilang bakasyon.

Ang mag-asawang Danica Sotto at Mark Pingris, ay makikita ang kasweetan sa kanilang mga larawan at may larawan rin ang dalawa kasama ang kanilang mga anak. Maging si Bossing at Pauleen, ay may larawan ring kuha na sadyang napakaganda lalo na’t masisilayan sa kanilang background ang napakagandang tanawin.

Kilala rin ang Baguio sa pagho-horse back riding sa mga maaamong mga kabayo. Kaya naman, hindi pinalampas ng pamilya Sotto ang masubukan ang sumakay sa kabayo habang kanilang nililibot ang magagandang lugar.

Makikita din ang masayang zumba time ng mga girls kung saan enjoy na enjoy sila sa paghataw.

Makikita rin na bukod sa napakaganda ng lugar, kahit nga tirik ang sikat ng araw ay napakalamig pa rin ng simoy ng hangin rito. Kaya naman, talagang naenjoy nila ang kanilang bonding moments. Napakalawak rin ng lugar na kanilang pinuntahan, kaya naman ang mag-asawang Danica at Mark ay sinulit ang kanilang bonding sa pagdya-jogging.

Enjoy na enjoy din ang bonding moments ng mag-amang Vic Sotto at Baby Tali.

Talaga namang hindi maikakaila ang kaligayahan ng bawat isa sa kanilang bakasyon sa Baguio. Dahil ang kanilang pamilya, ay talagang sama-sama at walang pinalampas na sandali upang maenjoy ang presensiya ng bawat isa. Isang masayang alaala ang kanilang nabuo sa kanilang bakasyon na kanilang dadalhin sa paglipas ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *