Silipin ang Makulay na Love Life ng Dating Childstar na si Joshua Dionisio sa Piling ng Kanyang Non-showbiz Girlfriend

Si Ralph Joshua Dela Cruz Dionisio sa totoong buhay o mas kilala ng lahat bilang Joshua Dionisio sa showbiz, ay unang nasilayan sa telebisyon ng maging bahagi ng teleserye ng ABS-CBN na Super Inggo. Sa edad na 8 taong gulang ay pinasok na ni Joshua ang showbiz, kung saan nagsimula siya bilang commercial model.

Magmula ng ipamalas ang kakayahan sa pag-arte ay talaga namang hindi na ito nawalan ng proyekto. Mas lalo namang nakilala ng publiko si Joshua ng lumipat sa GMA Network, kung saan ay naging bahagi naman siya ng romantic drama anthology na ‘Reel Love Presents Tween Hearts’ na napanood sa telebisyon noong September 26, 2010 hanggang June 10, 2012. Sa nasabing palabas ay naghatid naman ng kilig sa mga manonood ang tambalan nila ng aktres na si Barbie Forteza.

Matapos nga nito, ay huling napanood si Joshua sa telebisyon nang mag-guest sa Magpakailanman noong taong 2016. At ito na nga ang huling proyekto ni Joshua sa GMA na huli rin niyang ginampanang proyekto sa telebisyon.

Ngunit, matapos ang ilang taon, ay nasaan na kaya si Joshua ngayon?

Ayon sa ilang ulat, ang dahilan pamamahinga umano ni Joshua sa showbiz, ay upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Bagama’t, hindi na aktibo sa showbiz si Joshua, ay nagbibigay naman siya ng update sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Makikita nga sa Instagram ni Joshua, na may nagmamay-ari na sa puso ng aktor. At ito nga ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Ally Yu. Base sa ilang post ni Joshua sa Instagram ay noong Agosto 4, 2018 nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Ngunit, ayon sa isang post ng aktor ay hindi umano inaasahan ang kanilang relasyon.

Makikita rin Instagram ni Joshua na madalas silang magkasama ni Ally upang magbonding. At kitang-kita naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Sweetness overload nga ang masisilayang mga larawan ng magkasintahan sa kani-kanilang Instagram.

Hindi naman maikakaila ang tunay na pag-ibig ni Joshua kay Ally. Saad nga ng aktor sa isa niyang post ay inihahalintulad niya ang kasintahan sa isang nagniningning na diyamante.

“Love to see you shine in the night like the diamond you are.”

Samantala, inilarawan naman ni Ally si Joshua bilang “Instagram boyfriend” na isang “very patient and understanding man.”

Masayang masaya nga si Joshua sa piling ng kanyang girlfriend na siyang nagbibigay kulay sa kanyang buhay ngayon. At noong unang anibersaryo ng magkasintahan noong 2019, ay masaya silang nagbakasyon sa isang resort sa Nasugbu, Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *