Silipin ang Cute at Adorable na Barbie Doll Pictorial ng Anak ng Mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na si Shiloh Jane

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap matapos masayang ipagdiwang ang ika-dalawang taong kaarawan ng kanilang anak na si Shiloh Jane kamakailan lamang. Isang biyaya naman talagang maituturing ang pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang pamilya na isinilang ni Rochelle noong Pebrero 2019.

Magmula nga nang makapiling ang kanilang anak sa loob ng kanilang tahanan ay mas lalong naging makulay at makabuluhan ang buhay ng celebrity couple. Si Baby Shiloh na nga, ang naging sentro ng pagsasama nina Rochelle at Arthur, na talaga namang nag-aalis ng kanilang pagod sa buong maghapon dahil sa hatid nitong matamis na ngiti.

At sa pagdiriwang ng 2nd birthday ni Baby Shilo ay mas lalo namang nabigyan ng kaligayahan ang mag-asawang Rochelle at Arthur. Ito nga ay dahil sa nag-uumapaw na kacutan ng kanilang anak sa photoshoot matapos magbihis Barbie Doll at sumilid sa loob ng box. Tila nga isang Barbie Doll si Shiloh, lalo na’t napakacute naman talaga ng kanyang mukha.

Mas lalo namang naging makatotohanan ang temang napili nina Rochelle para sa birthday ng kanilang anak sa tulong ng Nice Print Photography. Sa mga larawan sa Instagram,makikita na nakasuot ng napakagandang pink dress si Shiloh na binagayan naman ng pink na ribbon sa kanyang buhok. Bagay na bagay nga kay Shiloh ang suot nito na nagmistulang Barbie doll sa loob ng box. Sa isang larawan, makikita ang tila paglabas ni Shiloh sa box, upang makasama sa larawan sina Rochelle at Arthur.

Samantala, isa namang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Rochelle para sa kanyang anak kalakip ang isang video kung saan makikitang magkasama silang mag-ina.

“Ibang klaseng saya ang ibinigay mo sa ‘min, Binago mo ang buhay namin ng Daddy mo. Ikaw ang mundo namin, Ang tanging hiling ko lang ay maging good follower ka ni God sa iyong paglaki.”

Dagdag naman ni Rochelle, ay darating ang araw na mababasa umano ni Shiloh ang kanyang mensahe kapag marunong na itong magbasa.

“Mahal na mahal ka namin anak! Kapag marunong ka nang magbasa, alam kong darating ang panahon na mababasa mo din ang mga messages namin sayo. Sana ay kiligin ka pa din katulad ng kiliti ko sayo dyan. #2nasiShiloh #Shilohtotoona2.”

Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong Agosto 2017 na ginanap sa Los Arboles sa Tagaytay. Ang celebrity couple ay naengaged noong 2016, matapos ang pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *