Silipin, 15 Sikat at Napakagagaling na Celebrities na ito at ang kanilang mga Tinapos na Kurso sa Kolehiyo

Sa showbiz, itsura at talento ang nagiging puhunan ng mga artista upang sila ay makilala. Ngunit lingid sa nakararami na sila rin ay nakapagtapos ng may magagandang kurso sa kolehiyo. Sila rin ay nangangarap na magkaroon ng diploma na kanilang panghahawakan saanman sila mapunta. Ang iba sa mga celebrity ay nag-aaral habang nagtatrabaho bilang artista mayroon din namang iba na nakapagtapos muna ng pag-aaral bago sumabak sa pag-aartista.

Kaya ating kilalanin kung anong kurso sa kolehiyo ang natapos ng mga celebrities na ito.

1. Liza Soberano

Una na sa listahan ang napaka-charming na actress na si Liza Soberano. Siya ay kumuha ng Bachelor of Science in Psychology at nakapag-aral sa prestihiyosong unibersidad ng Southville International School.

2. Julia Montes

Ang actress na si Julia Montes, ay nakapag-aral sa kursong Culinary Arts, hindi alintana sa kanya na siya pala ay mahilig at marunong magluto. Siya ay nag-aral sa napakagaling na paaralan ng Center of Culinary Arts Manila.

3. Coco Martin

Hindi rin nagpakabog “Ang Probinsiyano” actor na si Coco Martin, dahil siya lang naman ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts.

4. Maymay Entrata

Ang nakakaaliw na kwelang hatid ng actress na si Maymay Entrata, ay may magandang kurso palang natapos sa kolehiyo. Dahil siya lang naman ay nakapagtapos ng Technology Communication Management sa Mindanao University of Science and Technology.

5. Maris Racal

Ang napakagaling na singer-actress na si Maris Racal, ay may napakagandang kurso pala sa kolehiyo. Siya lang naman ay kumuha ng Bachelor of Science in Medical Techonology sa Trinity University of Asia.

6. Janine Gutierrez

Ang actress na si Janine Gutierrez, na isa sa mga bagong mukha ng Kapamilya Channel ay pinatunayang hindi lang ganda ang puhunan sa pag-aartista pati na rin ang talino. Dahil siya lang naman ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in European Studies sa isa sa mga tinitingalang unibersidad, ito ay ang Ateneo de Manila University.

7. Enchong Dee

Ang actor na si Enchong Dee, ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Developmental Studies. Hindi lang basta talino ang ipinakita ni Enchong sa kanyang pag-aaral pati na rin ang kanyang galing sa sports na swimming. Siya lang namang ay nakapag-aral sa prestihiyosong unibersidad ng De La Salle Unviersity.

8. Solenn Heusaff

Ang actress na si Soleen Heusaff, ay pinatunayan ang kanyang pagiging isang fashionista dahil siya ay nakapagtapos sa kursong Fashion Designer. Siya ay nagtapos sa unibersidad ng Le Studio Berçot du Paris, at magpa-hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin ng actress ang kanyang passion sa pagiging designer.

9. Robi Domingo

Kahit naging busy sa pagho-host ang actor na si Robi Domingo hindi niya pa ring nakaligtaan ang kanyang pag-aaral. Siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Health Services sa Ateneo De Manila University, siya ay sumunod sa yapak ng kanyang ama na isang doctor.

10. Marian Rivera

Ang isa sa mga pinaka-magagaling na actress ng henerasyon na si Marian Rivera, ay may magandang kursong natapos sa kolehiyo. Siya ay kumuha at natapos niya ang kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University-Dasmariñas.

11. Kris Aquino

Ang TV host at actress na si Kris Aquino, ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Arts in English Literature. Talaga nga naman bumagay kay Kris ang kanyang kurso dahil sa pagiging fluent nito sa English language. Siya ay nakapagtapos sa prestihiyosong unibersidad ng Ateneo De Manila University.

12. Maxene Magalona

Sa kabila ng pananahimik ni Maxene Magalona, siya pala ay nakapagtapos kursong Bachelor of Arts in Social Sciences sa unibersidad ng Ateneo De Manila.

13. Miles Ocampo

Isa si Miles Ocampo sa mga bagong henerasyon ng mga batang actress. Hindi aakalain na siya pala ay may natapos na magandang kursong at akmang-akma sa kanyang pagiging artista. Dahil siya lang naman ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines Diliman.

14. Arci Muñoz

Si Arci Muñoz ay isa sa mga magagandang mukha sa showbiz, hindi alintana na siya pala ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines Diliman.

15. Alex Gonzaga

Ang napaka-kwelang actress na si Alex Gonzaga, ay nakapagtapos pala sa kursong Bachelor of Science in Child Development and Education sa isa sa mga pinakamayamang unibersidad dito sa Pilipinas ang University of Asia and Pacific.

Hindi aakalain, na sa kabila ng kanilang trabaho kagaya ng maraming mga taping, shows at out of the country nilang mga pelikula ay nagagawa pa rin nilang makapag-aral at makapag-tapos with flying colors sa kanilang mga buhay. Kaya maraming mga tao ang humahanga sa mga sikat na celebrities na ito, dahil pinatunayan nilang hindi lang mukha ang kanilang magiging puhunan para maging “somebody”, kundi pati na rin ang kanilang galing at talino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *