Sila ang mga Sikat na Celebrities na Hindi nila Ikinakahiya ang Pagiging Retokada

Puhunan na ng mga sikat na celebrity sa showbiz ang magandang mukha, at seksing katawan. Kaya naman, may ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz, ay sumailalim sa pagpaparetoke upang gumanda, o kaya naman ang magkaroon ng magandang hubog ang kanilang katawan.

May ilan na palihim ang ginawang pagpapaopera upang hindi malaman ng publiko, sa takot na baka sila’y husgahan. Ngunit, may ilan naman na masayang isapubliko ang kanilang pagpapa-enhance, dahil masaya sila na makita ang resulta ng pagbabago sa kanilang katawan.

Kilalanin ang anim na personalidad na ito sa showbiz, na hindi ikinahiya ang pagpapa-enhance ng kanilang anyo sa kabila ng panghuhusga ng marami.

1. Chie Filomeno

Ang GirlTrends member na si Chie Filomeno ay matapang na umamin na sumailalim siya sa rhinoplasty. Ngunit, hindi upang maganda ang kanyang ilong kundi para ayusin ang pagkasira ng hugis nito matapos niyang mainjured nang ipanganak siya.

Ayon sa kwento ni Chie kay Tito Boy sa TWBA, ay nagupit raw ang kanyang ilong habang nasa caesarean procedure. At nang lumaki nga at naging tampulan na siya ng tukso, na kung saan ay nagbibigay sa kanya ng insecurity. Kaya naman, nang lumaki na ay nagpasya siya magpaayos ng ilong.

Para nga kay Chie,“There is nothing wrong in enhancing something that you have. It’s your own choice as long as wala kang tinatapakang tao, go with it.”

2. Arci Munoz

Nasaksihan na natin ang angking kagandahan ni Arci magmula ng madiskubre siya sa StarStruck. Ngunit, sa kabila ng taglay na ganda ni Arci, ay mas pinili parin niyang sumailalim sa plastic surgery. At noong 2017, ay naging bukas na sa publiko ang pagpapaenhance niya. Matapos nga kumalat sa social media, ang kanyang maliit na ilong na bagong gawa, ay marami ang negatibong komento ang kanyang natanggap. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob ay lakas loob na sinabi ni Arci na:

“Deny? No, never, what’s wrong with that? As if naman I committed a crime.”

3. Ericka Villongco

Ang teen pop singer-turned-vlogger na si Ericka Villongco ay bukas rin kanyang enhancement at madalas pang ibahagi sa kanyang YouTube Channel. Ang ilan nga sa kanyang nga vlog, ay video kung saan makikita ang naging journey sa kanyang surgery. Ibinunyag ni Ericka na sumailalim siya sa breast augmentation surgery at kamakailan, ay nagpa-rhinoplasty siya.

“I’m a huge fan of the beauty cosmetic industry, and I truly believe there is nothing wrong with enhancing one’s beauty. “I’m not ashamed to break stereotype molds created by the past generations or to break down the toxic Filipino hate culture,”pahayag ni Ericka sa panayam ng Pep.

4. Jinkee Pacquiao

Ang socialite na si Jinkee Pacquiao naman ay inamin rin na sumailalim siya sa liposuction matapos magsilang sa kanyang limang anak upang maibalik ang kanyang magandang figure.

Sumailalim siya sa full procedure ng kanyang arms, waist, hips, wings, back, thighs, at upper and lower abs. Nagagawa naman niyang mapanatili ang kanyang fit and sexy figure sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

Pahayag naman ni Jinkee sa isang panayam“ You see, what people don’t understand [is that] procedures like these are not always about vanity—more than looking good, it’s the feeling good and being healthy that matters.”

5. Angeline Quinto

Isa namang proud retokada ang singer na si Angeline Quinto. Minsan na ngang ibinahagi ni Angge sa kanyang social media ang mga procedure na kanyang pinagdaanan tulad ng eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, Thermage, at breast reduction.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. “Never ko ikinahiya kung ano ang mga pinagawa ko . At hanggang ngayon napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho ‘yun at kung may pangbayad naman bakit hindi.”

6. Janine Berdin

Marami naman ang ginulat ng singer na si Janine Berdin sa kanyang new look matapos makita ang matangos niyang ilong. At hindi naman itinanggi ng singer na sumailalim siya sa rhinoplasty. Nang makita ang resulta ng operasyon sa kanyang ilong, ay hindi maitago ang saya ni Janine dahil mas nagkaroon pa siya ng confidence sa kanyang sarili.

“If there’s something you don’t like about yourself and you are not happy about it, then you can do something. Do something to make yourself happy. You only live once, hindi ba? Just do things that will make you happy. “Kasi kapag hindi ka masaya sa sarili mo, magre-reflect. Kasi nakikita ko rin sa mga post ko rati mga videos ko parang nakikita ko rin kung gaano ako ka-self-conscious. Now when I look at my photos now, when I look at all the videos I take, parang ang saya ko. Parang nakikita ko na ang saya ko na, parang ang saya ko na sarili ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *