Connect with us

Showbiz

Sexy Star na si Sam Pinto, at Fiancee Nitong si Anthony Semerad, Ikinasal na sa Isang Civil Ceremony

Matapos ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan, sa wakas nga ay pinag-isa na ang mga puso ng seksing aktres na si Sam Pinto at fiancee nitong si Anthony Semerad.

Matatandaan na Agosto taong 2019 nang maengaged sina Sam at Anthony sa isa’t isa na naganap noong magbakasyon sila sa Australia. At ang pangako nga ni Anthony, kay Sam na magsasama habang buhay matapos alokin ng kasal, ay binigyang katuparan niya kamakailan.

Photo Credits: Sam Pinto Semerad | IG

Nito lamang ika-8 ng Marso, ay labis ang kasiyahan ni Sam at Anthony, dahil sa wakas nga ay naganap na ang kanilang pag-iisang dibdib kung saan saksi ang kanilang mga mahal sa buhay sa matamis nilang pag-iibigan.

Photo Credits: Sam Pinto Semerad | IG

Sa isa ngang civil ceremony na ginanap sa Conrad Manila sa Pasay, ay talagang pinatunayan ng professional basketball player na si Anthony, ang pagmamahal sa aktres sa kanilang palitan ng sumpaan na talagang damang-dama ang damdamin na nais ipabatid.

Photo Credits: Sam Pinto Semerad | IG

Sa kani-kanilang Instagram naman ay ibinahagi ng newly wed ang magandang balita sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng mga larawan na kuha sa kanilang kasal. Sa caption nga ng post ni Sam, ay talagang mababakas ang saya at excitement sa bagong journey nila ni Anthony bilang mag-asawa.

“Forever has a nice ring to it. Not really a cheesy type of person but I promise to spend the rest of my decades with you! I am so ready for our future to rock our world @anthonysemerad.”

Samantala, may pagmamalaki namang inanunsiyo ni Anthony sa kanyang Instagram account, na isa na siyang ganap na “married man” ngayon na kung saan ay excited na ring makasama si Sam, bilang kanyang maybahay habang buhay.

“Excited for this new journey with you Mrs. Semerad.”

Napakaromantiko ng pag-iisang dibdib nina Sam at Anthony, dahil kasabay nito ang napakagandang tanawin na hatid ng paglubog ng araw, na siyang matatanaw sa rooftop ng kinaroroonan nilang Conrad Manila Hotel, kung saan ginanap ang kanilang kasal at abot tanaw rin ang taglay na ganda ng Manila Bay.

Photo Credits: Sam Pinto Semerad | IG

Ang espesyal na araw ng pag-iisang dibdib nina Sam at Anthony ay dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya. Kabilang na nga rito ang kambal ni Anthony, at kapwa rin basketbolista na si David Semerad na kasama ang asawa niyang si Gwen Zamora.

Photo Credits: Sam Pinto Semerad | IG

Congratulations Sam and Anthony!

error: Content is protected !!