Sample King Jhong Hilario, Proud na Ipinakilala sa Publiko ang Kanyang Sample Princess na si Baby Sarina

Isa nang ganap na daddy ang It’s Showtime host at tinaguriang Sample King na si Jhong Hilario. Nito lamang umaga ng Sabado, ika-27 ng Marso ay umapaw ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Jhong sa showbiz matapos niyang ihatid ang magandang balita.

Ipinabatid nga ni Jhong sa publiko na ang kanyang long-time girlfriend na si Maia Leviste Azores, ay isinilang na ang kanilang panganay na anak na isang malusog na baby girl na pinapangalanan nilang Sarina.
Sa Instagram post ni Jhong kung saan ibinahagi niya ang larawan ng bagong silang na si Baby Sarina, ay mababakas ang abot langit na kaligayahan ng aktor, matapos niya itong batiin at tinawag na “My Love”. Nilakipan naman ni Jhong ang kanyang post ng hashtag na #Sample Princess.

“Hello my LOVE!!! ❤#Sarina #SamplePrincess.”

Tila nga sabik na si Jhong sa paglaki kanyang unica hija, at ngayon palang nga ay binansagan na niya itong “Sample Princess”. Masayang-masaya nga si Jhong dahil ipinagkaloob sa kanila ng kanilang long-time girlfriend ang isang malusog na baby girl.

Photo credits: Jhong Hilario | IG

Marami ang mga kaibigan sa showbiz ng aktor ang nagpaabot ng pagbati sa pagdating ng kanyang Sample Princess. Ilan nga sa mga ito ang co-host niya sa It’s Showtime na si Tyang Amy at Teddy.

“Congratulations! @jhonghilario and @maialevisteazores,”bati ni Tyang Amy.

“Woohoo! Congrats you two @jhonghilario & @maialevisteazores So cute!”,komento naman ni Teddy.

Nagpaabot rin ng pagbati ang ilan pang kaibigan ni Jhong sa showbiz kabilang na nga rito sina Jestoni Alarcon, Jed Madela, Krista Kleiner, Rodjun Cruz, Mickey Perz, Benj Manalo, LA Tenorio, at Alessandra de Rossi.

Matatandaan na noong nakaraang taon, Nobyembre 2020 nang inanunsiyo ng magkasintahan ang nalalapit nilang pagiging ganap na magulang sa kanilang panganay na anak. Ito nga ay ibinahagi ng lovely couple sa social media sa pamamagitan ng sweet photo nilang dalawa habang nasa beach kung saan masisilayan ang baby bump ni Maia.

Sa kabila ng agwat ng mga edad, kung saan halos 15 taon ang tanda ni Jhong sa kanyang nobyang si Maia, ay hindi ito naging hadlang sa matamis nilang pag-iibigan. Si Jhong ngayon ay 44 taong gulang na, samantalang si Maia naman ay 29 taong gulang pa lamang. Sa kabila ng mga pagsubok, ay mas lalong maging matatag ang kanilang relasyon at pinatunayan kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Samantala, noong June 2011 ay kinumpirma ni Jhong ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang dating asawa na si Michelle Westgate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *