Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ng Child Wonder na si Ryzza Mae Dizon sa kanyang mga tagahanga ang tagasuporta ang malaki at napakagandang 3-storey house na naipundar niya para sa kanyang pamilya.
Kahit nga 15-taong gulang pa lamang si Ryzza Mae, ay nagawa na niyang tulungan ang kanyang pamilya at bigyan ang mga ito ng isang maganda at masaganang pamumuhay.
Ayon nga sa mga naging ulat, ang 3-storey town house na ito, kung saan naninirahan na ngayon ay pamilya ni Ryzza Mae, ay naipundar ng naturang child wonder, mula sa kanyang mga naging ipon sa kanyang mga naging proyekto.
Hindi nga maikakaila na mula magwagi sa Little Miss Philippines si Ryzza Mae dahil sa kanyang kabibohan, ay naging sunod sunod na ang kanyang mga proyekto.
Ilan nga sa mga naging proyekto niya na naging daan upang siya’y makapag-ipon, ay ang kanyang TV show na The Ryzza Mae Show, Eat Bulaga at ang Vampire Ang Daddy Ko. Nagkaroon rin siya ng malalaking proyekto, tulad ng block buster movie na “My Little Bossing.
Maliban pa sa mga proyektong ito, ay mayroon ring mga endorsement si Ryzza Mae, kagaya na nga lamang ng Mister Donut at El Real, isang brand ng pasta.
At mas naging madali nga ang pagtupad ni Ryzza Mae na mapundar ang tahanan para sa kanyang pamilya, sa tulong ng prodyuser ng My Little Bossing, na sina Bossing Vic Sotto, Kris Aquino, at ng Eat Bulaga family niya, lalo na ang big boss nila na si Antonio Tuviera.
Sa kanya ngang YouTube channel, ay ipinasilip ni Ryzza ang loob ng kanilang magandang tahanan, ito ay dahil rin sa nakikitang napakarami ng “request” ng kanyang mga tagahanga na magpa-house tour siya.
“Dahil lagi kong nakikita sa IG ko na nagko-comment kayo na , ‘Ryzza, house tour naman diyan. House tour sa YouTube mo please’. Heto na po, Dabarkadas. Magha-house tour na po tayo, finally.”
Ibinahagi ni Ryzza sa kanyang naging pa-house tour na ang kanyang mommy ang nag-decorate ng kanilang bahay, mula ng ito’y maging maayos na at kanilang ng natirhan.
Dagdag pa ni Ryzza, halos araw-araw ay nasa iba’t ibang furnitures store sila, upang bumili ng mga kagamitan na nais niya para sa kanilang bahay. At lahat nga umano ng kanyang naging “effort” ay “worth-it” para sa kanya, dahil isang malawak, maganda at makulay na bahay ang kanyang naipundar na “perfect” nga para sa isang “brightest stars” na tulad niya.