Rodjun Cruz, Ipinasilip ang Masayang Getaway ng Kanyang Pamilya sa Baguio Kasama ang Asawang si Dianne Medina at Kanilang Cute Baby Boy na si Joaquin

Hindi na nga nawawala sa pamilyang Pilipino ang magkaroon ng masayang bonding. At ang isa sa paraan upang magkaroon ng bonding moments ang pamilya, ay ang magkaroon ng isang bakasyon.

At ngayong summer nga, ay talagang hangad ng marami ang makapunta sa napakagandang lugar upang mag-enjoy at mag-relax kasama ang pamilya.

Kasabay naman ng pagsalubong ng summer, ay ang patuloy nating pakikipagsapalaran sa pandemya. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang upang magkaroon ng isang masayang bakasyon.

Sa pagluwag nga ng patakaran ng kumonidad at muling pagbubukas ng mga pasyalan sa bansa, ay hindi pinalampas ng pamilya ng aktor at dancer na si Rodjun Cruz na makapagbakasyon kasama ang kanyang asawang si Dianne Medina at kanilang anak na si Baby Joaquin.

At sa mainit na panahong hatid ng summer ang takbuhan at talagang hanap ng mga bakasyunista, ay ang malamig na lugar. Kaya naman, ang pamilya ni Rodjun ay nagtungo sa Baguio na tinanguriang “Summer Capital” ng bansa upang mamasyal at damhin ang malamig na panahon.

Sa Instagram ni Rodjun, ay bumuhos ang mga larawan na kuha sa kanilang masayang pamamasyal kasama ang kanyang pamilya. Sa isa niyang Instagram post ay makikita na kasama ng aktor ang kanyang misis na si Dianne at napakacute na si Baby Joaquin, ang kanilang new born baby.

“First time ni baby Joaquin ilustre sa Baguio Kaya picture picture muna Kami! #myLife #Blessed #Family”

Sa isang hiwalay namang post, ay ipinabatid ni Rodjun ang kanyang labis na pasasalamat sa ipinagkaloob na pamilya sa kanya sa piling ng kanyang asawa at ni Baby Joaquin. Mababakas rin ang labis na pagmamahal ni Rodjun sa kanyang mag-ina, kung saan sinabi ng aktor na ang kanyang mag-ina ang kanyang buhay.

Makikita naman na talagang nag-enjoy ang kanilang pamilya sa kanilang pamamasyal. Tila nga ito ay isang perfect time para sa kanilang Family Time. Ito nga ay dahil, kasama rin nina Rodjun ang ilan sa miyembro ng kanilang pamilya na ilang araw ring namalagi sa Baguio.

Maliban naman sa pamamasyal, ay isa rin sa naging bonding moments ng kanilang pamilya ang pagsayaw. Sa isang video na ibinahagi ni Rodjun ay makikita na todo bigay nga pagsayaw ang kanyang tiyuhin na si Jeffrey. Naagaw nga nito ang atensyon ni Aiko Melendez, kung saan ay humanga at nag-iwan ng komento at sinabi na nasa lahi na talaga ng mga Cruz ang talento sa dance floor.

Matatandaan na isinilang ni Dianne ang baby boy nila ni Rodjun na si Rodolfo Joaquin Diego Ilustre III, noong Setyembre 2020. Ang pag-iisang dibdib naman ng celebrity couple ay naganap noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *