Rachelle Ann Go, Ibinandera ang Kanyang 37-weeks ng Baby Bump sa Kanyang Maternity Photo Shoot

Sa kanyang nalalapit ng panganganak, ay masayang ibinandera ng singer na si Rachelle Ann Go ang lumalaki na niyang baby bump, sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng kanyang maternity photo shoot.

Nito nga lamang ika-2 ng Marso, araw ng Martes ay ibinahagi ni Rachelle Ann Go sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan na kuha sa kanyang naging materty shoot, kung saan ay kasama niya ang kanyang asawang si Martin Spies, at ito nga ay kinunan ng photograpy company na Nice Print Photography.

Sa mga larawan ngang ibinahagi ng singer, ay makikita ang saya at ngiti ng mag-asawa na hindi na nga maitago ang excitement sa nalalapit na pag-welcome nila sa kanilang magiging panganay na anak. Ilang linggo na lamang kasi ay magsisilang na si Rachelle Ann, dahil ngayon ay nasa 37-weeks na ang kanyang ipinagbubuntis.

Kalakip ng mga larawan na ito, ay ang naging paghahayag ng singer kung gaano sila ka-excited mag-asawa na maging magulang sa kanilang magiging baby.

“We are so excited to be parents. I’m not sure if I feel the nerves yet. We know it’s not going to be easy but all I know is everything will be perfectly time. God is with us. We are also grateful for supportive family and friends around who have given us tons of advice”, caption ng singer.

Matatandaan na inihayag ng 34-taong gulang na singer sa publiko ang kanyang pagbubuntis noong buwan ng Nobyembre nu’ng nakaraang taon. At ito nga ay ginawa nilang mag-asawa, sa pamamagitan ng pag-anunsyo nito sa kanilang vlog, na nilagyan nila ng titulong “New Season in the Spies Family.

“Surprise! It’s finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We’re so excited to tell you about our 2020, which was undoubtedly quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all”, ang naging saad ng mag-asawa sa kanilang vlog.

“Thank you so much for the love and support and I am very excited for what the future holds for our family”, dagdag pa ni Rachelle at ng kanyang asawang si Martin Spies.

Sa vlog rin na ito ng mag-asawa, ibinahagi ng singer na buwan ng Agosto ng malaman niya ang kanyang pagdadalang-tao, at siyempre ang unang pinagsabihan niya nito ay ang kanyang asawang si Martin.

Nang panahon rin na yu’n ay hindi na maitago ni Rachelle Ann, kung gaano siya ka-excited, at hindi pa rin talaga siya makapaniwala na magiging isa na siyang “mommy”.

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh I cannot believe I am going to be a momma”, ani Rachelle Ann.

Samantala, makikita rin sa official Facebook page ng Nice Print Photo, ang naging pagbabahagi nito ng mga magagandang larawan ng maternity photo shoot ni Rachelle Ann, at kalakip nito ay ang naging “congratulatory message” nila para sa mag-asawa na nalalapit na ngang maging ganap na mga magulang.

“Congratulations @gorachelleann and @spiesmj [red heart emoji] Thank you for making us part of this beautiful milestone. #niceprintmaternity shot in London, UK #niceprintinternational.”

 

Ikinasal ang mag-asawang Rachel Ann Go at Martin Spies noong ika-18 ng Abril taong 2018 sa mala-paraisong Isla ng Boracay, kaya naman ngayon ay malapit ng mag-tatlong taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *