Pokwang Ibinahagi na Naloko siya sa Pera, Ipinagpasa-Diyos na Lamang: “Pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo na lang, ayoko nang magalit”

Ang komedyanteng si Pokwang ay kilala na ng lahat dahil sa kanyang husay pagdating sa pagpapatawa. Dahil dito, hindi maikakaila ang matagumpay niyang karera sa showbiz.




At sa kabila nga ng namamayagpag na karera sa showbiz, at maayos na buhay ng kanyang pamilya, ay hindi nakakalimut si Pokwang na humingi ng gabay sa Itaas. Isa ring de boto ng Mahal na Berhin si Pokwang. At kamakailan nga, ay ibinahagi nya sa kanyang Instagram ang larawan ng simbahan ng Antipolo kung saan madalas siyang nagsisimba.

 

Kahit nga sikat na artista sa showbiz, at may maayos na buhay ang kanyang pamilya, ay talagang nakakaranas parin ng pagsubok sa buhay si Pokwang. At sa tulong nga ng kanyang madalas na pagsisimba ay nababawasan ang kanyang iniisip at suliranin sa buhay.

Photo credits: Mayette | Ig

Pagbabahagi naman ni Pokwang, sa Antipolo Church siya nagsisimba upang humingi ng tawad at ipanalangin ang kanyang mga nais matupad sa buhay.

Kwento nga ni Pokwang sa caption ng kanyang post, nang lumipat sila sa Antipolo ay dito sila nakaranas ng matinding hirap. Kaya naman, ang tanging sandalan niya noon ay ang Mahal na Birhen na palagi niyang kausap at hinihingan ng tulong. At ang simbahan ng Antipolo na nga ang naging saksi sa kanyang mga mapait na karanasan.




“1980 from Pasig lumipat kami sa Antipolo, dito namin naranasan ang buhay na kahit mahirap nakakaraos dahil sa pagsisikap,”pahayag ni Pokwang.

“Ang simbahan ng Antipolo ang araw-araw na saksi sa aking pagiging makulit ngunit puno ng pangarap na batang paslit, minsan umiiyak ako sa Mahal na Birhen at nagtatanong ng mga katanungan na bilang isang bata ay bakit ang aga kong danasin ang hirap?,saad pa ng komedyante.

Photo credits: Mayette | Ig

Pagbabahagi pa niya, ay sa bayan rin ng Antipolo nasagot ng Mahal na Birhen ang kanyang katanungan kung bakit siya nakakaranas ng hirap sa buhay.

“Ngunit dito ko rin nakuha sa bayan ng Antipolo ang kasagutan ng Mahal na Birhen. Sabi nya, ‘anak hindi kita pinahihirapan, pinapatapang lang kita at pinapatatag sa mga darating na agos ng buhay’ dito sa lugar na ito ako naging ina, at nawalan ng anak at matiising nanay,” pahayag ni Pokwang.

Masaya ring inalala ni Pokwang ang kanyang mga karanasan sa buhay na ang Antipolo Church ang naging saksi. At nang araw na iyon, kung saan ay nakunan niya ng larawan ang napakagandang bahaghari, ay sinalamin ni Pokwang ang kanyang buhay na sa kabila ng hirap, ay may naghihintay na isang makulay na bahaghari.

“Madalas ako nasa harap ng simbahan na ito para mangulit na bilhan ako ng ticket ng sweepstakes, suman at kasoy, sampaguita etc. Masaya, malungkot pero makulay ang buhay, kasing kulay ng bahag haring ito isang paalala na ‘wag mawalan ng pag-asa basta naniniwala ka sa kanya. #proudAntipolleñoAko,” ang mensahe pa niya.

Photo credits: Mayette | Ig

Samantala, kapansin-pansin rin kamakailan ang post sa Twitter ni Pokwang, kung saan ay sinabi ng komedyante na naloko siya sa pera. At base sa caption ng kanyang post, ay pinatawad na niya ang taong nanloko sa kanyaa. Ayon nga kay Pokwang, ay pinagpaguran niya ang perang kinita niya ngunit kukunin lamang ng iba. Base sa caption ng post, ay tila patungkol ito sa order na binayaran ni Pokwang, ngunit hindi maibigay ang order niya.

“Pinatawad ko nalang! Ayoko na magalit nakakapagod siguro nga nagalaw na nila ang pera ko pero wala silang maipakitang gawa sa order ko (emoji sad face) sana makatulong sa pamilya n’yo ang pera ko, pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo nalang at sana maiayos nyo buhay nyo. God bless!”

Photo credits: Mayette | Ig




Bumuhos naman ang komento mula sa mga tagahanga ni Pokwang kung saan ipinakita ang pagsuporta sa komedyante.

@pokwang27 Babalik din sa iyo ang nawala sa ibang paraan tama ‘yan ipaubaya na lang and magdasal.”

Ayon naman kay @GailOrante, “@pokwang27 Mamang tandaan mo Di nagwawagi ang kasamaan hintay lang si Aling Karmi parating na at Kung ano man nawala SA’YO balik niyan sampung beses na grasya.”

Mula kay @ces_cortez, “@pokwang27 Mamang, Mabuti ang puso at hangarin mo pero un ang kapalit. Mas maganda ang balik sa yo in the end. God bless you.”