Phoemela Baranda, Isinilang na ang Kanyang Napakacute at Malusog na Baby Girl na Pinangalanan nila ng Kanyang Partner ng Baby Illya

Walang pagsidlan ng tuwa ang dating aktres, modelo at TV personality na Pheomela Baranda, matapos salubungin ang pagdating sa kanilang buhay ng kanyang partner na si Jason Choachuy ang panganay nilang anak nito lamang ika-5 ng Marso taong kasalukuyan.

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Pheomela at kanyang partner na si Jason ang magandang balita. Lubos nga ang pasasalamat ni Pheomela dahil sa edad na 40 taong gulang, ay nagawa niyang magsilang ng isang malusog na sanggol. Kalakip ang isang larawan kung saan masuyong hinalikan ni Jason ang pisngi ng bagong silang na si Pheomela, ay makikita ang kanilang kaligayahan sa pagdating ng kanilang baby girl.

Photo credits: phoemelabaranda | IG

Photo credits: phoemelabaranda | IG

Sa caption ng kanyang post, ay nagpasalamat si Pheomela sa mga taong nagdasal sa kaligtasan nilang mag-ina.

“Thank you for all the prayers & well wishers. Delivery went very smoothly, we’re safe & healthy.”

Ipinaabot rin ni Pheomela sa kaparehong post ang pasasalamat sa kanyang “team” tumulong sa kanya upang maging ligtas ang kanyang panganganak, kabilang na nga rito ang kanyang OB.

“I got the best team of @martinpmanahanmd, from first month of my pregnancy till the delivery and @romeonuguidmd Thank you!”

Hindi rin nakaligtaang pasalamatan ni Pheomela ang kanyang partner na si Jason na siyang kaagapay niya magmula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa panganganak. At higit sa lahat, ay labis rin ang pasasalamat niya sa Diyos dahil pinagkalooban siya ng isang malusog na baby girl.

“Beyond happy with you by my side @jason_choa. Most of all thank you Lord for a beautiful, healthy baby. I am forever grateful.”

Matatandaan sa mga larawang kuha mula sa baby shower ng second baby ni Pheomela, na panganay na anak nila ni Jason, na ang ibinigay nilang pangalan sa kanilang anak ay “Illya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, na may panganay na anak na si Pheomela na kanyang isinilang noong 19 taong gulang siya. Ito nga si Kim Nichole Baranda, at ngayon na 40 taong gulang na si Pheomela, ay 21 taong gulang naman ang kanyang panganay na anak na ngayon ay isang college student. Masayang-masaya naman si Kim, dahil may kapatid na siya at isa na siyang ganap na Ate ngayon.

Pag-amin naman ni Pheomela nang makapanayam ng Preview, ang pagkakaroon niya ng pangalawang anak sa edad na 40 at panganay naman ng kanyang partner, ay talagang pinag-usapan at plinano nila pareho.

“I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well—it’s his first.”

Hindi naman maitago ni Pheomela ang kanyang pasasalamat, dahil natagpuan niya ang tamang taong magbibigay saya at kulay sa buhay niya sa katauhan ni Jayson.

“I’m blessed to be in good health, we have more time at home, and I found the right person.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *