Connect with us

Entertainment

New Look ng Dating Goin’ Bulilit Star na si Clarence Delgado, Hinangaan at Ikinamangha ng mga Netizens

Lumikha ng ingay sa online world ang dating Goin’ Bulilit star na si Clarence Delgado kamakailan, matapos hangaan at ikamangha ng marami ang kanyang new look.

Matatandaan na unang nakilala ng publiko si Clarence sa reality talent search ng ABS-CBN na ‘Star Circle Quest – Kids Edition’ noong 2011, kung saan siya ang itinanghal na panalo sa male category. Magmula nga noon, ay unti-unti na siyang nakilala sa showbiz, at mas nakilala pa ng publiko nang mapabilang sa children gag show na Goin’ Bulilit.

Marami nga ang nanggigil at giliw na giliw sa napakacute at mala-siopao na mukha ni Clarence. Bukod naman sa taglay niyang kacutan, ay isa ring bibo at talentadong bata si Clarence dahilan upang mas lalo pa siyang hangaan ng publiko. Kaya naman, sa tuwing mapapanood siya sa telebisyon o pelikula, ay talagang inaabangan ito ng marami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Clarence Delgado (@clarencedelgado)

Ngunit, kung noon ay cute na cute si Clarence, ngayon nga ay marami ang namangha at humanga sa bagong mukha ng dating child star. Sa ngayon kasi ay hindi na makikita ang chubby cheeks at malusog na bata, dahil isang napakagwapong binata at makisig na pangangatawan na ang masisilayan ng marami ngayon.

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ngayon ay 16 taong gulang na si Clarence na talagang binatang binata na. At sa pagpasok ng taong 2021 sa buhay at karera ni Clarence ay isang exciting at kaabang-abang na kaganapan ang hindi dapat palampasin ng kanyang mga tagahanga.

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Sa pagbubukas nga ng taong 2021, ay isa nang ganap na Kapuso si Clarence kung saan ay bahagi na siya ng talent ng GMA Artist Center. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang proud Tatay sa showbiz na si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz, masayang makita ang kanyang matagumpay na karera. Ngayon nga na isa ng Kapuso si Clarence, at nakipag-team up na si Direk Bobot kay Willie Revillame sa Wowowin, ay tiyak na malaki ang tsansa ang muli nilang pagsasama.

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Photo credits: clarenecedelgado | IG

Samantala, sa isang Instagram post sa pagtatapos ng taong 2020, ay ipinahayag ni Clarence ang kanyang positibo at puno ng pag-asang pagharap sa bagong taong 2021.

“Bye 2020!! Happy New Year Everyone !! 2021!! 2020 was a tough year for all of us. A year that changed our lives and a year full of challenges. Before we close this book I would like to thank everyone who has been there for me which made my 2020 better and the reason why I survived this year . Thank you so much everyone for all your support this year!! Hoping 2021 will be a better year, a kinder, more peaceful.”

error: Content is protected !!