“Naluha Ako”: Ai-Ai Delas Alas, Emosyunal sa Surpresa ng Kanyang Asawa na Hello Kitty Theme Renovation ng Kanilang Bahay

Walang pagsidlan ng tuwa ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas matapos madatnan sa kanilang tahanan ang bago nitong disenyo na talagang pinakapaborito niya sa lahat, ang Hello Kitty.

Marso 9, 2021 nang umuwi siya mula sa lock in taping ng “Owe My Love”, at wala sa ideya niya na isang surpresa pala ang bubungad sa kanyang pag-uwi. Ito nga ay dahil ang bahay niya sa Quezon city, ngayon nga ay mistulang palasyo ni Hello Kitty.

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Makikita ang dominant na kulay pink sa loob ng kanilang tahanan. Maging ang mga kasangkapan ay may Hello Kitty design rin magmula sa ilaw, mirror, at throw pillows.

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Dahil nga, halos dalawang buwang nasa lock-in taping si Ai-Ai, ay ito ang kinuhang pagkakataon ni Gerald upang magawa ang renovation ng bahay, at magsilbing surpresa sa komedyana para sa kanilang anniversary. Alam ni Gerald na malaki ang pagkahilig ni Ai-Ai sa Hello Kitty at My Melody products ng Sanrio kung kaya’t ito ang kanyang naisip gawin upang magmistulang Sanrio land ang kanilang bahay.

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Samantala, nang makapanayam ng PEP.ph si Ai-Ai patungkol sa surpresa ng asawa, ay sinabi nga ng komedyante na naluha siya at hindi akalain na talagang masusurpresa siya ng bongga. Pagbabahagi rin ni Ai-Ai, ang perang ginamit ni Gerald sa pagsasaayos ng kanilang tahanan para makamit ang nais nitong disenyo, ay mula sa sarili nitong pera.

“Habang naka-lock in taping ako sa Owe My Love, ipinapagawa na pala niya ang bahay namin. Yung kinita niya sa online siomai, dun ginamit ni Gerald.

“Nag-hire siya ng interior decorator para ma-achieve ang gusto niyang look ng aming bahay. Alam ni Gerald kung saan ako liligaya. Hindi ako maluho sa mga gamit, bag o sapatos. Mahilig lang ako sa maganda, malinis at maayos na bahay.”

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Pagbabalik-tanaw naman ni Ai-Ai, ay nagsimula siyang magkaroon ng hilig sa pangongolekta ng Hello Kitty at Melody products noong nasa high school siya na kahit baon niya ay iniipon niya upang makabili lamang ng paborito niyang Hello Kitty.

Photo credits: Pepe.ph

Photo credits: Pepe.ph

Makikita na magmula sa bedroom, hanggang sa kitchen at dining area ay masisilayan ang kulay pink at Hello Kitty design. Maging ang bawat kagamitan nga ay pawang may disenyo ng ulo ni Hello Kitty at walang pinalampas na anumang gamit para maging pink, at Hello Kitty.

Talaga nga namang kahit nasa gitna ng pandemya ay nabigyan ng kaligayahan si Ai-Ai ng kanyang asawa. Patunay lamang nga nito, kung gaano kamahal ni Gerald ang kanyang asawang si Ai-Ai.

“Sobrang nakaka-good vibes. Sumaya ako sa gitna ng pandemyang ito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *