“Nakikitira lang kami noon” Celebrity Couple Carmina Villaruel at Zoren Legaspi, Ikinuwento Kung Paano ang Naging Buhay Nila Noong Manirahan Sila sa Amerika

Batid natin na sa buhay ng mag-asawa, ay talaga namang iba’t ibang mga karanasan sa buhay ang napagdadaanan lalo na kapag bumubuo na ng sariling pamilya.
At tulad mga ordinaryong tao, maging ang ilan sa mga sikat na celebrity couple ay mga karanasan din na hindi malilimutan sa kanilang naging pag-uumpisa noong sila’y magsimulang bumuo ng pamilya.

Isa nga sa mga halimbawa ay ang popular at hinahangaang celebrity couple na sina Carmina Villaruel at Zoren Legaspi, na kamakailan nga lamang ay masayang ibinahagi sa programang Sarap, Di Ba? Bahay Edition, ang kanilang mga ‘fun stories’ nang alalahanin nila ang naging buhay nila noon sa Amerika.

Matatandaan na noong una pa lamang nagsasama sina Carmina at Zoren, ay sa bansang Amerika sila naninirahan. Sa nasabing bansa rin isinilang ni Carmina, ang kambal na anak nila na sina Mavy at Cassy.

Sa naging panayam din sa mag-asawa, ay inamin nila na noong sila nga ay nasa Amerika, ay nakikitira lamang sila. Dagdag na kwento pa ni Zoren, nu’ng baby pa ang kanilang kambal sa sofa lang sila natutulog.

“Noong baby sila sa sofa lang kami natutulog. Sofa bed ‘yun actually”, ani Zoren.
Pahayag naman ng asawa niyang si Carmina, “Ako yung sofa bed, ikaw bed talaga.”

Ayon nga sa aktres, ganu’n ang naging set-up ng buhay nilang dalawa ni Zoren sa Amerika, dahil nga sa nakikitira lamang sila sa kapatid ng aktor.

“Nakikitira lang po kami sa brother ni Zoren sa states, si Jippy. They only one bedroom that time. ‘Yung sala sorry na-convert na namin into our bedroom. ‘Yung sofa bed sa akin and cassy. ‘Yung bed na nilagay nila doon si Maverick at si Zoren”, ani Carmina.

Ibinahagi rin ni Carmina, kung ano ang pakiramdam na mayroong anak na kambal. At ayon nga sa aktres, sa kabila ng nakakapagod, ay masaya at super enjoy kapag kambal ang anak.

“Kami po ni Zoren, times two… Two times doble po ang kasiyahan na nararamdaman namin ni Zoren, two times din ‘yung pagod.”

Samantala, naitanong naman ng kambal na anak nina Carmina at Zoren, na sina Mavy at Cassy sa kanila kung sino sa kanilang dalawa ang masungit o iyakin noong sila’y mga sanggol pa.

Sinagot naman ito ni Carmina na;

“Walang masyadong iyakin e. Wala namang iyakin sa inyo. You guys are typical babies, iiyak lang kayo when you are hungry or iiyak lang kayo kapag mayroon ng poop yung diaper nyo.”

Kwento naman ni Carmina, sa kambal na anak ay si Cassy ang mahirap patulugin sa dalawa, dahil sa kailangan niya talagang ihele, kantahan at i-sway sway ito.
Tinanong naman ni Mavy, kung sino sa kanila ng kakambal ang masasabing “happy baby”.

“Pareho kayong happy babies. May times si Maverick ‘yung naka-smile.”

Nagbigay mensahe naman si Carmina para sa kanyang dalawang anak, ngayon na dalaga’t binata na nga ang mga ito.

“Kahit na hindi na kayp mga babies, para sa mga mata naming ng tatay niyo e talaga namang mga babies namin kayo forever. I always say that kahit na twenty na kayo, kahit na thirty, forty, you will always be our babies.”

Isa nga ang pamilya nina Carmina at Zoren, sa mga pamilya sa showbiz na hashtag “Familygoals”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *