Mga Cute Baby Nina Anne Curtis at Solenn Heusaff na Sina Dahlia at Thylane, Masayang Nagkita at Nagka-Bonding sa Boracay

Nagbalik na sa mala-paraisong isla ng Boracay ang mag-inang Solenn Heusaff at anak nitong si Thylane Balzico. Ngunit sa pagkakataon ngang ito, ay kasa-kasama nilang mag-ina patungo sa nasabing isla, ang pamilya ng kanyang kapatid na si Erwan Heusaff, kasama ang asawa nitong TV host-actress na si Anne Curtis, at anak ng mga ito na si Dahlia.

Batid ng marami sa atin na halos magka-edad nga lamang sina Thylane at Dahlia, dahil sa tatlong buwan lamang ang pagitan nila sa isa’t isa mula sa araw ng kanilang pagsilang.

Matatandaan na isinilang ni Solenn ang anak na si Thylane, noong buwan ng Enero taong 2020 sa Manila, samantalang si Anne Curtis naman ay isinilang ang anak na si Dahlia, sa Melbourne, Australia kung saan halos isang taon ring namalagi doon ang kanilang pamilya.

Mula nga ng isilang ang dalawang sanggol na mag-pinsan, ay hindi pa nila nakita ang isa’t isa, dahil sa magka-ibang bansa nga sila isinilang, at ng magkaroon nga ng pandemya ay natagalan bago makabalik sa Pilipinas sina Anne at Erwan, kasama nsi Dahlia, dahil sa inabot sila ng halos isang taon sa bansang Australia.
At ngayon nga na nakabalik na sa Pilipinas ang sina Anne, Erwan at baby Dahlia, ay hindi nila pinalampas ang pagkakataon na makita at makasama sa isang family bonding sina Solenn at Thylane.

Makikita nga sa mga ibinahaging larawan na kuha sa naging bakasyon ng dalawang pamilya, ang masayang pagkikita at pagba-bonding nina Thylane at Dahlia. Parehong kyut na kyuta nga ang mag-pinsan, sa kani-kanilang mga baby day outfit.

Mapapansin rin na maging si Erwan, na kapatid nga ni Solenn, ay enjoy na enjoy rin sa pakikipag-bonding sa kanyang kyut na kyut na anak at pamangkin.

Samantala, ipinagtataka niyo marahil kung bakit hindi kasama nina Solenn at Thylane ang kanilang padre de pamilya, na si Nico Balzico, at ito nga ay dahil sa nasa quarantine umano ito matapos nga nitong bumisita sa kanyang hometown sa Argentina para makasama ang kanyang pamilya, na matagal na rin nga niyang hindi nakita at nakasama.

Nang ibahagi nga ni Erwan ang masayang bonding moments niya sa kanyang anak at pamangkin, ay nakita ni Nico kung gaano inaalagaan ni Erwan ang anak, at masaya siyang malaman na nasa maayos na pangangalaga ang kanyang anak, na si Thylane o kung tawagin nga nila ay si “Tili.”

“I am so happy #Tilibolz has a male figure like you while I am out.. but when #ElPadre returns, I am taking Dahlia and Tili with me”, sey ni Niko kay Erwan.
Ayon nga kay Nico, kapag siya ay nakatapos na sa quarantine ay siya naman ang makikipagbonding sa kanyang anak na si Thylane, at pamangkin na si Dahlia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *