Connect with us

Stories

Megastar Sharon Cuneta, Binilhan ng Mamahaling Louis Vuitton Collar ang Aspin na Asong kanyang Inampon

Isa na sa mga hobby ng aktres na si Sharon Cuneta ang mag-alaga ng mga aso. Ito na ang kanyang pampa-tanggal ng pagod ang makipag-kulitan sa alaga niyang mga aso. Kamakailan lamang ay napabalita ang ongoing construction ng bagong mansion ng megastar, sa kanyang pinapagawang bahay ay may inilaan siyang lugar para sa kanyang mga alagang aso. Ganoon na lamang kamahal ng aktres ang kanyang mga alagang aso.

Photo Credits: Sharon Cuneta | IG

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram ang isang stray dog na kanyang kinukukop na mula pa sa Olongapo City. Ito ay natagpuan at nakilala ng megastar nang siya ang nagkaroon ng shoot sa isang beach resort sa Olongapo para sa kanyang movie na “Revirginized”. Ayon kay Sharon, pinangalanan niya itong Pawi at ipinangako niyang bibigyan niya ito ng maayos at magandang buhay. Dagdag pa niya sa kanyang post na may caption na, “You will become a PRINCE.” Kaya naman dahil sa kanyang pagmamahal kay Pawi ay binigyan niya ito ng isang mamahaling Louis Vuitton collar. Ito ay isang French luxury brand na Louis Vuitton. “Pawiboy, your collar is on its way home from Italy. Now I’m just waiting for you!” sabi pa ng megastar sa kanyang caption.

Photo Credits: Sharon Cuneta | IG

Ayon sa official website ng pinagbilhan ni Sharon ng collar, ang Louis Vuitton Baxter dog collar na ito ay nagkakahalaga ng $345.00 na halos nasa Php 17,000 sa Philippine money. Si Pawi ay isang “aspin” (asong-Pinoy) hindi naman nagdalawang isip si Sharon na ito ay amponin dahil nakaramdam siya ng awa sa aso at talagang siya napapamahal sa aso.

Photo Credits: Sharon Cuneta | IG

Ayon pa sa isa pa niyang post na may caption na, “They found you, my doggie that was meant to be mine!” “I could never stop thinking about you and now I cannot wait to hold you and love you the way you have always deserved to be!”

Tila excited na ang megastar sa pag-uwi ng kanyang bagong alaga. Dahil nga isang stray dog si Pawi kinailangan pa siyang ipasuri sa isang veterinary upang masigurado ang kaligtasan ng kanyang kalusugan. Matapos naman ang maayos na pagsusuri kay Pawi ay maiiuwi na siya ng megastar. Dagdag pa niya sa kanyang post na may caption na, “When you walked up to me and I patted your head, then you rubbed your face so very gently and lovingly on my leg, you seemed like you wanted me to take you home with me. And now, after the great vets there are done treating you, you are coming HOME to me!”

Photo Credits: Sharon Cuneta | IG

Kaya naman dahil sa kanyang naramdaman na pagmamahal kay Pawi ay ipinangako niya rito na aalagaan niya ito at mamahalin, at higit sa lahat ay tatratuhin niyang parang isang prinsipe, upang mabawi yung mga panahong walang nag-alaga at nagmahal sa kanya. Sinabi na pa niya sa kanyang post, na hindi na kailanman pa manghihingi ng pagkain at matutulog kung saan-saan si Pawi dahil nasa piling na niya ito.

“They say you are about 8 years old… Oh, what life must have made you go through! You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you. I will make the rest of your years happy and you will NEVER have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe. Never have to panic to seek shelter from the rain and other elements,” ika niya.

“I love you. I fell in love with you the moment we met and I should have brought you home right then. But all will be well now. All IS well now! I cannot wait to see you again and this time hold you and love you!” dagdag pa niya.

Ganoon lamang mahalin ng megastar ang kanyang mga alagang aso. Itinuturing na niya ang mga ito na parang kanyang mga anak. Kaya talagang napaka-swerte ng kanyang mga alagang aso dahil ibinibigay sa kanila ng megastar ang isang maganda at maayos na buhay.

error: Content is protected !!