Connect with us

Showbiz

Masayang ibinahagi nila Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang family trip bonding

Dahil sa malapit na ang summer vacation ang mga celebrity ngayon ay nag-aadvanced na ng kanilang summer break upang mag-relax. Kagaya na lamang ng showbiz couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na kahit sa dami ng kanilang trabaho at sa kabila ng pandemiya ay nagkaroon pa rin sila ng relaxing moments kasama ang kanilang mga anak.

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Masayang-masayang ibinahagi nila Melai ang kanilang family trip sa “The Farm” sa San Benito, Batangas City. Ito ay kanilang ibinahagi sa kanilang latest vlog kung saan ang kanilang anak na si Mela muna ang naging vlogger of the day ng kanilang pamilya. Ipinasilip ng batang si Mela ang kanilang masayang bakasyon kasama ang kanilang mommy at daddy pati na rin ang kapatid nitong si Stella at ang kanilang lola. Nakakatuwang mapanood sa video kung paano nagiging nakakaaliw na vlogger si Mela.

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Ayon sa vlogger na si Mela, first time daw nilang lumabas uli kaya sobrang saya nila ng kanyang kapatid na sila ay nagbakasyon dahil sobrang excited na siya mag-swimming. Talaga nga namang mapapansin sa video kung gaano kataas ang energy ng anak nilang si Mela sa pagtatake-over ng vlog ng kanyang mommy. Tuwang-tuwa naman ang magkapatid sa pagpapakain nila sa mga alagang pato. Sobrang nag-enjoy rin ang magkapatid sa kanilang swimming bonding, makikita sa video na mukhang hindi sila napapagod sa paglangoy.

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang kanilang pagpunta sa “Secret Garden” ng lugar kung saan inaabangan rito ang pagbagsak ng water falls. Sobrang saya ng kanilang mga anak, sa walang sawang swimming session ng mga ito. Ipinasilip rin sa kanilang vlog, ang magagandang tanawin ng lugar kung saan ito talaga ang binabalik-balikan ng mga tourista. Nagkaroon ng interview session si Melai sa kanyang dalawang chikiting. Tinanong sa kanila ng kanilang mommy Melai kung ano ang kanilang pakiramdam na nakalabas uli sila after 7 months, diresto naman itong sinagot ng kanyang mga anak na sila sobrang happy dahil nakapag-enjoy uli sila.

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Isa rin sa mga naging highlight ng kanilang pamamasyal ay ang 300 year old Mango Tree na kanilang pinuntahan, na ayon kay Melai natutupad raw ang isang kahilingan kapag niyayakap ang mismong puno. Nakapag-piknik rin ang mag-ina at naging enjoyment rin nila ang paglalaro ng snake and ladder na kanila namang kinagiliwan.

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Photo Credits: Youtube.com | Melai Cantiveros

Sa pagtatapos ng kanilang vlog, makikitang sobrang nag-enjoy ang mag-anak sa kanilang naging family trip.

 

error: Content is protected !!