Masayang Ibinahagi nila Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang unang Family Trip kasama ang Kanilang anak na si Baby Amari

Nalalapit na ang summer season kaya marami ng mga celebrity ang nagbabakasyon sa mga beach upang mag-relax at mag-unwind. Kagaya na lamang ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Bill Crawford. Kung saan masaya nilang ibinahagi ang unang summer getaway ng kanilang anak na si Baby Amari.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Masayang masaya ngayon ang mag-asawang Coleen at Billy sa pagdating ng kanilang munting anghel na si Baby Amari. Sa bawat milestone ni Baby Amari, ay pinaparanas ng mag-asawa ang happiness sa kanilang anak. Isa na rito ang ma-experience ng kanilang anak ang magbakasyon at mamasyal.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Kaya kamakailan lamang, ay masaya silang nagbakasyon kasama ang kanilang pamilya para sa unang summer getaway ni Baby Amari sa La Union. Sa kanilang latest vlog, ay kanilang ipinasilip ang masaya nilang bakasyon sa napakagandang lugar ng La Union. Nakakatuwang makita sa video ang masayang bonding ni Coleen at Billy sa kanilang anak, lalo pa’t nag-eenjoy rito si Baby Amari.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Masayang-masaya ang mag-asawa na nasubaybayan nila ang paglaki ng kanilang anak. Mapapanood sa kanilang vlog, kung gaano sila kasaya sa kanilang family bonding. Makikita rin sa kanilang video, ang mga magagandang lugar na kanilang pinuntahan kasama na rin dito ang mga masasarap na pagkain ng lugar.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Ibinahagi rin Coleen sa vlog, ang kanyang istilo ng pagpapadede niya kay Baby Amari na tinatakpan niya ito gamit ang suot niyang malaking t-shirt bilang kanyang cover.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Tuwang-tuwa rin si Baby Amari sa kanyang nakikitang bagong environmnent lalo na’t na-experience ito ang paglalaro nito sa buhangin. Aliw-aliw ito dahil ito ang kanyang unang beses na maramdaman ang beach sand. Nag-enjoy rin si Baby Amari sa pagsakay nito sa animal rocking chair.

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Napakacute tingnan ng reaksiyon ni Baby Amari kung paano siya natatakam sa pagkaing ipinapakita sa kanya ng kanyang mommy Coleen..

Photo credits: The Crawfords | Youtube

Kitang-kita naman kay Coleen kung siya kaproud bilang mommy ni Baby Amari. Para sa kanilang mag-asawa si Baby Amari ang kanilang kaligayahan.

Our First LA UNION Family Trip with Amari!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *