Connect with us

Entertainment

Mariel Rodriguez Unti-Unti ng Binabalik ang Dating Timbang, Ibinahagi na Nabawasan na ang Timbang ng 42-Pounds sa Loob ng Tatlong Buwan

Nagbalik-loob na ang TV host na si Mariel Rodriguez sa kanyang ‘weight loss journey’, ngayon na tapos na nga siya sa kanyang ‘breastfeeding journey’ sa kanyang ikalawang baby na si Gabriela.
Ayon nga kay Mariel, ngayon na tapos na siyang mag-breastfeed kay Gabriela na ginawa niya ng halos isang taon, ay napapanahon na nga upang muli naman niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili, at mag-pokus ngang muli sa pagbabalik ng kanyang dating timbang at pangangatawan.

Base nga sa naging ulat malaki talaga ang ini-angat ng timbang ni Mariel noong siya ay nagbuntis hanggang mag-breastfeed kay Gabriela, kung saan ay umabot nga siya sa timbang na 197 pounds.
At nito nga lamang nakaraan, ay masaya nng ibinahagi ni Mariel na sa kanyang pagbabalik -loob sa kanyang ‘weight loss jorney’, ay nagawa na niyang makapagbawas ng timbang, kung saan sa loob ng tatlong buwan, ay agad siyang tumimbang na ng 155 pounds na lamang ngayon.

Nagsimula umano ang ‘weight loss journey’ ni Mariel noong buwan ng Disyembre nang nakaraang taon, ito nga ay matapos siyang mag ‘officially signed off’ sa pag-breastfeed kay Gabriela.

“At my heaviest, I was 197 pounds. Uulitin ko po. Almost 200 pounds”, ang naging pagbabahagi nga ng celebrity mom sa kanyang YouTube channel, kasabay ng pagpapakita niya ng kanyang larawan kung saan ay talagang makikita na napakalaki ng kanyang pangangatawan.

Dahan-dahan ngang bumalik si Mariel sa pag-eehersisyo at pagdye-dyeta upang mapagtagumpayan niyang maibalik ang kanyang ‘goal’ na timbang, at ito nga ay sinimulan niya pagpasok ng bagong taon.
Samantala, hindi nga ito ang unang pagkakataon na lumaki ang timbang ni Mariel, dahil nangyari na rin ito noong siya ay magbuntis sa kanyang panganay na anak na si Isabella, at ang timbang nga niya ng mga panahon na ‘yon ay umabot ng 178 pounds.

Nagawa naman niyang makapagbawas ng 40 pounds sa tulong ng isang popular ‘slimming center.’
At ngayon nga sa ikalawang pagkakataon na gagawin ni Mariel ang kanyang ‘weight loss journey’, ay inamin ng celebrity mom sa kanyang vlog na inilabas nito lamang ika-21 ng Marso 2021 na mahihirapan talaga siya dahil nga sa mahilig talaga siya kumain.

“I know it’s going to be so hard ako iyong type that I eat – as in I really eat. I eat a whole pint of Big Al’s chocolate ice cream in one sitting. I can eat about five ice cream, alam mo iyon?”, ani Mariel.

Dagdag pa nga niya, “Talagang I can eat. I can eat a lot. I do eat a lot.”

At para nga mas maging matagumpay ang pagdye-dyeta ni Mariel, ay humingi siya ng tulong at gabay sa stars ‘trusted nutritionist at fitness guru’ na si Nadine Tengco.

“Majority of [losing weight] is the food we take. Ako po, I got a nutritionist talaga. Si Nadine Tengco. She made list of the things I should eat, the things I shouldn’t eat, ganyan”, pagbabahagi ni Mariel.

Inamin naman ng celebrity mom, na hindi lahat ng nasa list na ibinigay ng kanyang nutrionist ay nasusunod niya, dahil sa may mga pagkain pa rin siyang nais kainin, lalo na ‘yung masarap. Magkaganon man, ay masaya pa rin siya, dahil nakikita at nararamdaman niya na may naging pagbabago na sa timbang at katawan niya.

Sa ngayon nga ay nasa 155 pounds na ang timbang ni Mariel, at nasa 42 pounds na nga ang kanyang naibawas mula sa kanyang timbang na 197 pounds mula ng pagbalik-loob siya sa pagdyeta at ehersisyo. Pero ayon sa celebrity mom, ay kulang pa ito, dail large pa nag mga damit niya, at ang pangarap niya ay makapagsuot ng small o medium size na mga kasuotan.

“Today, ngayon [I’m] 155 pounds! I already lost a total of 42 pounds. Kulang pa po. Itong dress na suot ko ngayon is still a large. Siyempre ang pangarap ko is small to medium. Iyogng medium lang, nako, mapapa-party na ako!”

Bago tinapos ni Mariel ang kanyang vlog, ay nagbigay payo din ito sa mga nais magdyeta na tulad niya.

Ayon nga sa TV host-celebrity mom, ay mahalaga sa pagdye-dyeta ang portion control at ang pag-stick sa goal mo.

“Eye on the prize, totoo iyon. When you’re dieting , the only kalaban is really yourself. Labanan mol ang”, dagdag pa ni Mariel.

error: Content is protected !!