“Mahal na mahal kita, ikaw lang ang taong kaya kong makita araw-araw” Angel Locsin, ibinahagi Kung Gaano Niya Kamahal ang kanyang Fiancé na si Neil Arce

Hindi lang kilala si Angel bilang isang magaling na aktres naging bukas din sa publiko ang naging estado na kanyang buhay pag-ibig. Kaya ngayon ay hayag na hayag na sa lahat ang pagmamahalan nila ng kanyang fiancé na si Neil Arce.

Photo credits: Neil Arce | IG

Kamakailan lamang ay nagcelebrate si Neil ng kanyang kaarawan. Kaya sa Instagram post ni Angel, ay ibinahagi niya ang isang Tiktok video ni Neil na may nakakaaliw at may napaka-sweet na birthday greeting. Sa post ni Angel na may caption na,

“Bago mo ko i-mrder for posting this, remind lang kita na mahal na mahal kita at ikaw lang ang taong kaya kong makita araw araw.” “Happy birthday, my TikToker love.”

Photo credits: Neil Arce | IG

Agad naman nagreply si Neil sa post na ito na ni Angel,

“Love… I love you too, pero hindi ko pa b-day.” Dagdag pa ni Angel, “Sira. Nasa sakin birth certificate mo.”

Sagot naman ni Neil kay Angel na may napaka-sweet na reply na kasamang laughing at kissing emoji, “Thanks love! Malapit na b-day mo, alam mo naman na babaiwan kita.”

Kaya naman ang kanilang mga followers ay kinikilig sa kanilang naging conversation sa kanilang Instagram. Matagal ng plano ng dalawa ang pagpapakasal, kaya naengaged na sila noong June 2019.

Photo credits: Neil Arce | IG

Nang dahil sa pandemic ang kanilang itinakdang kasal noong November 8, 2020 ay hindi natuloy. Kaya sa isang panayam sa magkasintahan, ang kanilang naudlot na kasal ay matutuloy na ngayong taon. Ayon pa kay Angel, may mga bagay dapat lang silang aayusin tungkol sa mga protocol na dapat sundin.

Photo credits: Neil Arce | IG

“Tuloy naman siya. Ano lang namin, kailangan lang may mga ayusin. Of course, there’s the threat of the new strain nga, hindi ba? Tapos may mga protocol tayo na dapat sundin para safe po ang lahat. ‘Yon lang ang inaayos,” ang pahayag ni Angel.

“Actually medyo hassle, kasi bago pa lang ang pandemic ay plantsado na lahat. Alam na namin ‘yung gusto namin pareho. Tapos noong nagkaroon ng pandemic, lahat ‘yon kailangan burahin naming lahat,” dagdag pa ng aktres.

Photo credits: Neil Arce | IG

Sabi naman ni Neil, ang gusto niya lang na wedding ay yung magiging masaya ang lahat. Dagdag pa niya, gusto rin niya na ma-achieve ni Angel ang wedding na gusto nito. Kitang-kita naman sa kanilang dalawa kung gaano nila ipinaparamdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahalan kaya naman marami ang sumusuporta sa kanilang relasyon.

Ayon naman ni Neil, “Nag-usap din kami ano ba ang gusto nating wedding? Since we’ve been friends for a long time, gusto lang talaga namin ay masaya lang ang lahat ng tao, hindi ‘yung ilang na ilang kang gumalaw.

“Sabi ko ‘di siya nag-prom, ‘di siya nag-debut, ‘yung mga ganoong bagay. Sana lang ay makuha niya ang wedding na gusto niya,” aniya pa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *