Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Sinurpresa ng Airtrav sa Busuanga Airport sa Kanilang Wedding Anniversary

Marahil marami ang nakaalala sa espesyal na araw ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong nakaraang taon nang maganap ang kanilang pag-iisang dibdib. At nitong nakaraang buwan ng Pebrero nga, ay isa sa mga nagbigay ng ngiti sa mga tagahanga ng AshMatt, ang makitang magkasamang magdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa sina Sarah at Matteo.

Photo Credits: Matteo Guidicelli | IG

At para sa pagdiriwang ng kanilang 1st wedding anniversary, ay nagpasya ang mag-asawa na magkaroon ng isang masayang bakasyon sa Coron, Palawan kasama ang kanilang pamilya.

Ngunit, bago pa man marating nina Sarah at Matteo ang kanilang destinasyon, ay kailangan muna nilang sumakay sa isang private plane. Sa tulong nga ng Airtrav, kung saan matatagpuan sa Busuanga airport, ay naging maayos ang kanilang paglalakbay at nakarating sila sa kanilang destinasyon.

Photo Credits: Youtube.com | Reena de Guzman

Dahil nga espesyal ang araw ng paglalakbay ng lovely couple, ay may inihandang surpresa ang Airtrav sa kanila bago pa man sila sumakay sa eroplano at magtungo sa kanilang bakasyon.

Sa ibinahaging video ng isa sa mga tauhan ng Airtrav at tagahanga rin ng AshMatt na si Reena de Guzman, ay makikita ang paghahanda ng kanilang team upang surpresahin ang mag-asawa. Makikita nga sa video, na nagtulungan ang ilang tauhan ng Airtrav, upang malagyan ng disenyo ang eroplano.

Photo Credits: Youtube.com | Reena de Guzman

Makikita rin na may inihandang anniversary balloons para sa mag-asawa at isang napakagandang bouquet of flowers naman para kay Sarah. Sa pagdating nga nina Sarah at Matteo at nang masilayan ang mainit na pagtanggap sa kanila, ay makikitang masayang-masaya ang mag-asawa.

Photo Credits: Youtube.com | Reena de Guzman

Laking pasasalamat ng mag-asawa sa surpresahang handog ng Airtrav sa kanila bago pa man sila sumakay sa eroplano. Sa huling bahagi ng video ay makikita naman ang pagpapapicture ng mga tauhan ng Airtrav sa celebrity couple.

Kapansin-pansin naman ang piloto ng sasakyan nilang eroplano na tila kinikilig sa pagtitig sa mukha ni Sarah. Walang duda na malaki ang paghanga nito sa singer.

Photo Credits: Youtube.com | Reena de Guzman

Samantala, mababasa naman sa comment section sa Youtube Channel ni Reena ang pasasalamat ng mga certified AshMatt believers, sa ginawa ng Airtrav para surpresahin ang kanilang iniidolong celebrity couple sa showbiz. May ilan rin na napa-sana all dahil sa espesyal na araw na ito, ay nasaksihan ng ilang tauhan ng Airtrav ang kasweetan ng mag-asawa at nakasama pa sa mga larawan.

Anniversary Getaway | Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli #AshMatt l Reena's Work Life