Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidiceli Isinagawa ang Kanilang Groundbreaking Ceremony Para sa kanilang Future Home sa Batangas

Matapos ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, ngayon nga ay isang taon nang masayang nagsasama bilang mag-asawa ang singer na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli.

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Pebrero naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang pribadong Christian wedding ceremony. Marami ang nakasaksi sa kwento ng pag-iibigan ng mag-asawang Sarah at Matteo, na sa kabila ng pagtutol ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal, ay nanaig parin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

At matapos ang isang taon, ay tila handa na ring bumuo ng isang masayang pamilya ang mag-asawa. Para nga sa pagsisimula ng kanilang pamilya, ay inihanda na rin ng mag-asawa ang lugar kung saan itatayo ang kanilang magiging tahanan.

Nito lamang ika-26 ng Marso, ay laman ng social media ang mag-asawang Sarah at Matteo, matapos mamataan ang kanilang groundbreaking ceremony para sa kanilang future home na matatagpuan sa Batangas.

Espesyal rin ang nasabing seremonya dahil, bukod sa kanilang pagsisimula ng pagbuo ng kanilang dream house para sa kanilang pamilya, ay ito rin ay araw ng kapanganakan ni Matteo, kung saan ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-31st birthday.

Naging double celebration nga ang araw ng Biyernes noong ika-26 ng Marso para sa mag-asawang Sarah at Matteo. Makikita naman sa mga larawan at video na kumalat sa social media, na ang celebrity couple ay may hawak na pala, bilang pagbibigay nila ng blessing sa ipapatayo nilang bahay. Sa isang video naman ay maririnig ang pag-awit ng birthday song kay Matteo para sa kanyang kaarawan.

Samantala, base naman sa facebook page ng Nasugbu, Batangas, ang groundbreaking ceremony ay ginanap sa Peninsula De Punta Fuego. Hindi maikakaila na isang magandang desisyon ang napili nina Sarah at Matteo na magpatayo ng bahay sa probinsya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kung sa probinsya nga naman ng Batangas ang kanilang magiging tahanan, ay tiyak na makakapag-relax at enjoy sila sa loob ng kanilang tahanan, kung saan ay malayo sa anumang gulo na hatid ng lungsod.

Nito lamang ika-27 ng Marso, ay pinabilib ni Sarah ang publiko sa kanyang kahanga-hangang performance sa kanyang “The Tala Film Concert” na napanood saan mang dako ng mundo. Buong puso ring ipinakita ni Matteo ang suporta sa kanyang asawa na talaga namang proud na proud sa kakayahan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *