Liza Soberano, masayang ibinahagi ang kanilang Siargao Exploration Kasama ang Kanyang Pamilya at Boyfriend na si Enrique Gil

Kilala bilang sikat na loveteam ngayon sa showbiz ang LizQuen. Kaya ang kanilang mga tagahanga ay lagi silang sinusubaybayan. Makikita naman sa mga post ni Liza sa kanyang Instagram ang kanilang sweetness ni Enrique Gil.

Credits: Liza Soberano Youtube Channel

Very charming and kind naman kasi talaga si Liza, kaya marami siyang tagahanga na talagang solid na sumusuporta sa kanilang relationship.

Kaya kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Liza ang kanyang 23rd birthday, kung sa napakagandang isla ng Siargao sila nag-birthday get away kasama ang kaniyang pamilya at si Enrique Gil. Sa latest vlog ni Liza, ay ibinahagi niya ang kanilang masayang exploration sa Siargao.

Credits: Liza Soberano Youtube Channel

Unang ibinahagi ni Liza ang kanilang Day 1, kung saan una nilang inexplore ang Guyam Island. Makikita sa kanyang vlog, na sobra silang nag-eenjoy sa kanilang pagswimming at paglalaro ng buhangin sa napakaganda at napakalinaw na dagat ng isla. Sunod naman nilang pinuntahan ay ang isa sa mga sikat na Italian Restaurant sa Siargao, kung saan sobrang nasarapan at nag-enjoy sila sa mga pagkain rito.

Credits: Liza Soberano Youtube Channel

Hindi rin kinaligtaan ni Liza ang isa sa mga paborito na niyang gawin ngayon, ito ay ang pagsu-surfing. Sa kanyang vlog, makikitang sila ay nag-surfing lessons muna, kung paano ang pagsu-surfing. Matapos ang kanilang session, sila ay napakapag-surfing ng magkakasama. Makikita sa video, na sobrang nag-eenjoy sila habang nagsu-surfing sa gitna ng dagat.

Hindi lang sa kagandahan ng lugar nag-enjoy si Liza, pati na rin sa mga pagkaing inihahain sa kanila. Masaya ring nag-joy ride si Liza at Enrique upang maikot pa ang buong isla. Napapamahal na si Liza sa pagsu-surfing, dahil naeenjoy na niya ang surfing lessons niya rito. Makikita sa video, ang kabuuang kagandahan ng isla lalo ng ang napakalinaw na tubig nito at nag-gagandahang mga puno.

Credits: Liza Soberano Youtube Channel

Ibinahagi rin ni Liza, ang kanilang naging yoga session. Masaya ring nag-dinner si Liza kasama ang ibang miyembro ng kanyang pamilya, kahit na hindi niya nakasama si Enrique dahil sa naging masama ang pakiramdam nito. Sa huling araw nila sa isla, sila ay nag-island hopping sa Naked Island ng Siargao at nag-enjoy silang magswimming.

Credits: Liza Soberano Youtube Channel

Sa pagtatapos nga kanyang vlog, makikita na sobrang nag-enjoy si Liza at Enrique kasama ang kanilang pamilya sa ganda ng mga lugar sa Siargao at sa mga masasarap na pagkain rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *