Hindi madali ang maging isang babae sa dami ng nararanasang pagbabago sa kanilang katawan. Mula nga sa pagiging isang ganap na dalaga matapos magkaroon ng buwanang dalaw, ay nakakaranas rin sila ng hirap sa pagbubuntis hanggang sa panganganak.
Ngunit, bukod nga rito ay may matindi pang suliranin ang ilan sa mga kababaihan, ang makaranas ng tinatawag na “hormonal disorder’ o kilala rin sa tawag na PCOS (polycystic ovary syndrome).
Photo credits: Pauleen Luna | IG
At sa panahon nga natin ngayon, ay marami sa mga kababaihan ang hirap sa kanilang pakikipaglaban sa hormonal disorder na ito. Kabilang na nga rito, ang aktres at TV host na asawa ni Vic Sotto na si Pauleen Luna.
Photo credits: Pauleen Luna | IG
Bagama’t, makikita natin sa telebisyon na masayahin at talagang magaan ang pakiramdam ni Pauleen sa harap ng camera, lingid naman sa kaalaman ng marami, na may matindi palang suliranin ang aktres. Ito nga ay ang hirap na kanyang nararanasan upang malabanan ang PCOS.
Photo credits: Pauleen Luna | IG
Masaya si Pauleen sa resulta ng kanyang pangangalaga sa kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, at tamang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at pagdedyeta. Ang fitness journey ng aktres ay sinimulan niya ilang buwan na ang nakakalipas at sa nakikitang resulta, ay masaya siya dahil nakikita na niya ang pagbabago at muling panunumbalik ng kanyang lakas.
Saad nga ni Pauleen, “slow progress” is “better than none.”
Ibinahagi pa ng aktres na talagang maingat siya pagdating sa mga pagkain na kanyang kinakain. At hindi rin mawawala ang pag-eehersisyo niya araw-araw.
”A little over a month into my fitness journey, and I’m starting to feel strength coming back!,”saad ni Pauleen.
Photo credits: Pauleen Luna | IG
Kamakailan lamang, nang ibinunyag ni Pauleen na isa pang nagpapahirap sa kanya sa araw-araw ay ang hormonal disorder o PCOS. Saad nga nito, ay hindi biro ang mamuhay na may nilalabanang PCOS.
“Living with PCOS is no joke,”payahag ni Pauleen.
Ngunit, sa kabila nito, ay malaki pa rin ang pasasalamat ni Pauleen, dahil nagagawa niyang labanan ang kinakaharap na suliranin sa kanyang kalusugan. Panalangin naman ni Pauleen na sana ay bigyan pa siya ng kalakasan ng Diyos nang sagayon ay makamit niya ang kanyang hangaring maging malusog at ligtas sa anumang karamdaman.
“I really pray that God will sustain me.”
Photo credits: Pauleen Luna | IG
Ang PCOS ay isang hormonal disorder na nararanasan ng mga kababaihan na kasabay ng kanilang reproductive age. Hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang nagiging sanhi nito. Ngunit ilan sa mga sintomas na makikita sa pagbabago ng katawan ay “irregular periods, elevated levels of male hormones, and enlarged ovaries”.
Ilan naman sa hindi magandang dulot nito sa katawan ng mga kababaihan ay “infertility, gestational diabetes, miscarriage or premature birth, and Type 2 diabetes”.