Kylie Versoza at Jake Cuenca Ibinahagi ang Kanilang Palawan Getaway

Si Kylie Versoza at Jake Cuenca ay isa sa mga sikat na celebrity couple sa industriya ng showbiz. Ang dalawa ay naging hayag sa kanilang relasyon.

Hindi naman makakaila na sila ay talagang bagay sa isa’t isa at kitang kita ang kanilang sweetness. Kaya silang dalawang ay parehong busy sa kanilang mga shows at film projects ngayong quarantine.Kung kaya’t ito ang dahilan kung bakit deserve nila ang isang Palawan getaway.

Kaya kamakailan lamang na vlog ni Kylie, ay kanilang ibinahagi ang kaniyang birthday celebration at valentine’s day trip sa Coron, Palawan. Unang ibinahagi ni Kylie ay nakakatuwang pagpapakawala nila ng baby turtle na talaga namang ikina-enjoy niya dahil sa kacute-tan ng mga ito. Ipinakita rin niya sa kanyang vlog, ang kagandahan ng lugar habang siya ay nagtatampisaw.

Habang nagvo-vlog si Kylie, nakakatuwang iniinterview niya si Jake. Sa kanilang video, makikita na may sinubukan silang bago at kakaibang activities ito ang gratitude meditation. Bukod sa kanilang ginagawang meditation, nag-tryout din ang dalawa ng iba pang mga activities. Ang celebrity couple ay talagang nag-enjoy sa kanilang mga sinubukang mga activities.

Ipinakita rin ni Kylie sa kanyang vlog, ang candle-lit dinner na ihinahanda ni Jake para sa kanya. Makikita rito na may naka-setup ito na table and chairs na napapalibutan ng mga ilaw sa damuhan na hugis puso.

Aakalain sa videong ito na magpo-prosed na si Jake dahil sa kanyang sinabi na, “So, I prepared this because I just wanted to ask you one thing,” kaya tila nagulat si Kylie at napahiyaw na lang. Hanggang sa sinasabi ni Jake na, “So, here it goes… kumain… kumain ka na ba?” lubos namang ito ikinatawa ni Kylie ang birong ito sa kanya ni Jake.
Nagawa rin ng celebrity couple ang mag Island hopping sa kanilang last day sa Palawan. Makikita naman sa kanilang vlog na lubos silang nag-enjoy sa kanilang bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *