Kilalanin ang Napakagandang Bunsong Anak Nina Lotlot De Leon at Ramon Christopher

Sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ay kilala bilang beteranong aktor at aktres sa showbiz. Sila ay dating mag-asawa, na ngayon ay hiwalay na. Ngunit sa kabila ng kanilang naging paghihiwalay, ay nabiyayaan naman sila ng magaganda, gwapo at talentadong anak.

Ang panganay na anak ng dating mag-asawa ay ang celebrity actress na rin ngayon na si Janine Gutierrez, sumunod dito ay si Jessica, Diego, at ang bunso nga sa magkakapatid na si Maxine Gutierrez.

Dalawa sa anak nina Lotlot at Monching ang sumunod sa kanilang yapak sa showbiz, ang panganay na si Janine na isa ng Kapmilya star, at si Diego na isa na rin sa mga concert artists sa ASAP Natin ‘To. Ang dalawa naman nilang anak na sina Jessica at Maxine, ay mas pinili naman na hindi pasukin ang mundo ng showbiz.

Sa kabila naman ng hindi pagiging isang celebrity ni Maxine, ay agaw-pansin pa rin siya sa mga mata ng netizens, ito ay dahil sa kanyang tinataglay na ganda, na talaga namang pang-artista looks din tulad ng kanyang ate na si Janine.

Mapapansin naman sa social media account ng bunsong anak nina Lotlot at Monching ang pagiging isang fashionista nito, lalo pa nga’t napakagaling nito sa pagdadala ng kanyang kasuotan, at hilig din nitong ibahagi ang kanyang mga nagiging OOTD’s.

Mas naging kapansin-pansin din sa mga mata ng netizens ang pagiging malapit ni Maxine sa kanyang mga kapatid, lalo na sa kanyang ate. Ayon nga sa mga naging ulat, “Ate Bear” kung tawagin ni Maxine ang kanyang ate Janine, at “Fofie” naman ang tawag nito sa kanya.

Samantala, makikita sa isang vlog ni Janine Gutierrez ang naging paglalaro nilang magkakapatid ngmga challenges na “The Siblings Tag” at “Who’s Most Likely.”
Sa nasabing challenges nga na ginawa ng magkakapatid ay inamin ni Maxine, nasa kanilang magkakapatid ay siya ang most ‘matakaw’ at most ‘voracious’ , ito ay dahil umano sa bata pa siya, kaya naman talaga malakas siya kumain ng kanin.

Ayon pa nga sa mga kapatid ni Maxine, ay ang dalaga rin umano ang “most likely” na nagugutom tuwing dis oras na ng gabi.

Maliban nga sa mga ito, ay ipinagmalaki rin ni Jessica na sa kanilangapat, ay si Maxine ang eksperto pagdating sa pagluluto. Ito rin umano ay maasahan nila pagdating sa mga gawaing bahay, kung saan ayon nga kay Janine, ay enjoy si Maxine kapag may ginagawa siyang gawain sa loob ng kanilang bahay. Kahit nga paglilinis ng CR ay ginagawa rin minsan ng bunsong kapatid nila.

Matatandaan na minsan ng naging guest si si Maxine at ang kuya nitong si Diego sa ‘Magandang Buhay’, kung saan ay sinabi nga ng bunso sa magkakapatid na anak nina Lotlot at Monching, na pagdating sa kanilang magkakapatid ay napa-istrikto ni Diego.

Nang tanungin naman si Diego kung ano ang masasabi niya sa kanyang bunsong kapatid, ay isinaad ng binata na napaka-thoughtful at caring ni Maxine. Halimbawa nga umano kapag may isang may sakit sa kanila na nakakatandang kapatid nito, ay agad itong naghahanda ng makakain ng kung sino man sa kanila ang may sakit, at lagi rin nitong sinisiguro na uminom ng gamot ang kanyang ate o kuya, kapag may sakit ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *