Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Limang Popular na Celebrity, Na Sumubok Makapasok Sa ‘Pinoy Big Brother’ Ngunit Bigo na Maging Housemates ni Kuya

Ang programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ay isa sa mga popular na reality TV show na talaga namang pinipilahan ng marami, dahil sa talaga namang napakaraming biyaya ang naghihintay sa isang indibidwal na hihiranging “big winner” ng nasabing reality show.

Ilang edisyon na nga ng PBB ang natapos, kung saan natunghayan natin ang iba’t ibang istorya ng buhay ng mga indibidwal na nakakapasok sa nasabing reality show, at bawat edisyon nga ay mayroong isa na talaga namanag maswerteng nagwawagi ng mga naglalakihan at nakakamangha na mga premyo.

Samantala, alam niyo ba na mayroon ring mga popular na artista na ngayon, ang minsan na ring sibukan ang swerte nila sa Pinoy Big Brother? Dahil sa hindi pa nila nalalaman na may mas laki pa palang oportunidad ang naghihintay sa kanila.

Narito nga ang limang sikat at popular na celebrity ngayon na sumubok sa PBB, kalakip ang mga naging karanasan nila nu’ng sila ay mag-audition sa nasabing reality show.

Vice Ganda

Napag-alaman na ang Unkabogable Star TV host na Vice Ganda, ay nag-audition rin pala noon sa PBB. Bago nga umere noong taong 2020 sa telebisyon ang “Pinoy Big Brother Connect”, ay ibinunyag ni Vice na noon ngang taong 2006 ay sinubukan niya ang kanyang swerteng makapasok sa first celebrity audition ng PBB.

Ayon nga kay Vice, Stand-up (comedian) na din siya ng panahon na iyon, ng maisipan niyang mag-audition sa PBB.

“Stand-up [comedian] na ako noon saka lumalabas-labas na ako sa mga serye ng ABS-CBN”, ani Vice.

Dagdag pa ng TV host, “Pinakita ‘yung audition ko dati, eh. [Kaso] laglag si Belta!”

Nadine Lustre

Taong 2018 ng ibahagi ng aktres na si Nadine Lustre na isa rin siya sa mga sumubok na makapasok sa PBB, kung saan ay nag-audition nga siya kasama ang isang kaibigan. Ayon pa sa ulat, noong panahon na mag-audition si Nadine, ay ‘yun din ang season kung kalian itinanghan na big winner ng PBB ex-boyfriend nitong si James Reid.

Ivana Alawi

Kilala siya ngayon bilang isa sa mga popular na actress-vlogger. At sa isa nga niyang vlog, ay nailahad ni Ivana na noon pa man ay pangarap na niya ang makapasok sa nasabing reality show. Ayon pa nga kay Ivana, sinubukan niya ang makapag-audition sa PBB noon, kung saan ay gumagising pa nga siya ng 4:00 A.M para lang pumila sa audition, kasama niya ang kanyang ina. Kwento pa ng actress-vlogger, halos 24-oras silang pumila, at sa Marikina na nga siya nakuha.

“Ang saya ko noon kasi out of 9,000 siguro. 100 kami na natira so ang saya, ang sarap sa pakiramdam no’ng time na ‘yon”, ani Ivana.

Jerome Ponce

Ayon nga kay Jerome, bago pa man nakuha ang ‘stint’ niya sa serye noon ng ABS-CBN na “Be Careful With My Heart”, ay dalawang beses muna siyang sumubok na makapasok sa Pinoy Big Brother. Una nga siyang nag-audition sa “Teen Clash of 2010”, at ang sumunod nga ay sa “Teen Edition 4.”

Inalala nga ng aktor, kung gaano siya katagal na pumila para lamang makapag-audition sa nasabing reality show.

“Talagang umasa rin po ako, kasi nag-pictorial na ako. Na-frustrate ako, pero nasanay na rin ako. That’s life”, naging saad nga ni Jerome ng makapanayan siya sa morning talk show ng Kapamilya Network na “Magandang Buhay.

Maine Mendoza

Maging ang phenomenal queen nga na si Maine Mendoza ay nag-audition din noon sa PBB.

“Naisipan ko lang mag-audition, may nagsabi sa akin, may nag-invite kung gusto ko bang mag-audition for ‘PBB’. So, nakita ko rin nab aka eto na rin ‘yung chance, pero hindi pa ‘yon yung tamang panahon.”, saad nga ni Maine.

Ibinahagi rin niya na naranasan rin niya ang pumila ng pagkahaba-haba para lamang makapag-audition sa nasabing reality show.

“Nagsimula ako no’n ng alas-sais nang umaga hanggang ala-una nang umaga. Pero umuwi ako nang sad. Pero okay lang masaya ‘yung experience”, dagdag pa ng aktres.

error: Content is protected !!